Trisia: Can we meet tomorrow morning? Just the two of us. Hindi naalis sa isip ko ang mensahe na iyon ni Trisia kagabi. It's been days since Mon and I became official again. Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin maisipan na umalis sa bahay nila. I am enjoying this as much as he wants me here. Wala akong naging reply sa babae nagdadalawang-isip ba ako kung papayag ba ako sa gusto niya o hindi. Kahit na hindi pa kami nag-uusap ay alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Hindi siya manhid para hindi malaman na may namamagitan ulit sa amin ni Mon. Noon pa man ay may gusto na siya kay Mon, hindi ko siya masisisi roon dahil hindi naman mahirap magustuhan ang lalaki. Kung ako nga na bigla na lang sumulpot ay nagustuhan siya agad, paano pa kaya siya na simula bata ay silang dalawa na ang mag

