Tahimik ako na sumunod kay Mon. I am suddenly not in the mood to talk to him. Parang gusto ko na lang umuwi pero magmumukha akong walang respeto. Still, I need to talk to his parents, kahit ngayon lang. “What do you want?” tanong niya. “Kahit ano na lang,” sinubukan ko na pasiglahin ang boses ko pero pumalya dahil napansin niya. “Baby, what’s wrong?” malambing nitong tanong sa akin. Ibinaba niya ang hawak na plato sa lamesa. Lumapit siya sa akin, hinawakan ng marahan ang dalawa kong braso. Hinuli niya ang tingin ko pero umiwas ako ng tingin. Kinabahan ako na makita kami rito kaya lumingon ako, hindi naman pala dahil may kurtina na harang. Agad niya akong iniharap sa kaniya nang lumingon ako. “W-Wala, baka gutom lang—” “Don’t lie to me. Sabihin mo ako para maayos natin.” Napanguso a

