Tinitigan mo ang ticket na binigay ni Mon. Next week na raw kasi ang Intramurals nila. Maraming booth, at event daw ang gaganapin. An outsider can come basta may ticket sila. “Okay lang kung hindi ka makakapunta. May trabaho ka rin.” Uminom ako ng tubig bago siya sagutin. Nandito kaming dalawa sa apartment ko. Inihatid niya ako pauwi kahit na galing din siya sa school. Sinabi ko naman na hindi na niya kailangan gawin pero mapilit siya. Nag-aksayan pa siya ng panahon na bilhan ako ng pagkain. Akala ko noong una ay cringy ang ganito, nakakakilig pala. “Pupunta ako 'no! I can't remember the last time I attended this kind of event.” Sandali akong nangulila sa dati kong school. I was not a perfect student but I miss the environment. Paano kung bumalik na ako sa school? Nakaipon na ri

