I was sobbing silently while Mon was beside me. Nakayakap siya sa akin habang ako ay nakatalikod sa kaniya. Kagat ang ibabang labi ko para hindi lumakas ang hikbi ko. Walong buwan na ang tiyan ko kaya hirap na hirap na ako sa lahat ng bagay. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na kalaki ang tiyan ko pero may pagkakataon pa rin na may gusto akong kainin. Tulad ngayon, gusto kong kumain ng puto na maraming cheese sa itaas, iyong nabibili sa mga naglalako sa daan tuwing umaga. Ayaw ko ng ini-order sa mga gumagawa, gusto ko iyong nabibili mismo sa mga naglalako. “Hey, baby, what's wrong?” Sandali akong natigilan nang marinig ang bagong gising na boses ni Mon. Nagising na nga siya dahil sa akin. Hindi ako sumagot at nagkunwari na tulog kahit na nagtataas at baba ang balikat ko d

