Masaya naman ako habang kasama si Lance. Akala ko ay makakasama namin sina Miko o Karla pero wala sila. Kung ano-ano ang rides sa sinakyan namin. Tawang-tawa naman siya dahil muntik na akong masuka dahil madami akong nakain kanina.
“Ayan, takaw kasi,” inabutan niya ako ng tubig.
Nanghihinang tinanggap ko iyon at ininom. Nasa may isang bench kami, kababa lang sa umiikot na octopus. Hilong-hilo ako, gusto ko na lamang maglumpasay sa sahig.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa hilo. Tawa lamang siya ng tawa at pang-aasar sa akin. Nahuli ko pa siya na kinukuhanan ako ng video habang nagsasalita na parang kinukwento ang nangyari sa akin.
“Kapag ako nakaganti,” pananakot ko sa kaniya.
Hindi na niya ako pinilit pa na sumakay sa kung saan-saan. Inihatid na lang din niya ako pauwi sa apartment ko. Tulog agad ako pagdating ko dahil sa pagod, mabuti na lamang ay wala akog trabaho bukas dahil Linggo.
I woke up very late. Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis at paglalaba.
Nagpapahinga na ulit ako dahil katatapos ko lang maglaba nang may narinig akong katok. Tinignan ko ang sarili ko. Nakaputing sando lang ako at walang suot na bra. Maikling cycling short lang din ang pang-ibaba ko.
I shrugged before opening the door.
His eyes found mine, but it didn’t last long because they wandered on my body. I am covered but the way he looks at me feels like he is secretly f*****g me in his mind.
Pasimple kong kinurot ang sarili ko. Ito na naman ako. Puro kabastusan na lang ang naiisip ko simula ng makilala ko siya.
“What?” bored kong tanong, tinatago ang totoong nararamdaman ngayong nandito siya.
Mabilis na umangat ang tingin niya sa mukha ko. Namula ang magkabila nitong pisngi, siguro ay dahil nahuli ko siyang nakatingin sa katawan ko.
“Nagluto ng lunch si Tiya Leya. Gusto niyang sumabay ka, nag-aalala sa ‘yo.”
Of course, inutusan siya na magpunta rito. Asa naman ako na nagpunta siya rito para lang makita ako. Hindi nga ako gusto.
“Sige, susunod ako.”
Akma kong isasarado ang pinto nang pigilan niya. Kinunutan ko siya ng noo. He is acting weird again! Pinapaasan na naman niya ako!
“Galit ka ba sa akin?” maamong tanong niya sa akin.
Panandalian kong nakalimutan ang plano ko na iwasan siya para hindi na lumalim ang nararamdaman para sa kaniya. What I feel for him is merely a crush! It can’t be more than that. At kung patuloy siya sa pakikipag-usap sa akin ay baka matuluyan na akong mahulog sa kaniya.
“Hindi, ah? Bakit naman ako magagalit? Okay lang naman.”
Sinubukan ko muli na isarado ang pintuan pero hindi niya talaga inaalis ang kamay niya sa hamba ng pintuan ko. Dahil sa inis ay naisara ko iyon dahilan para malukot ang mukha niya sa sakit.
Namilos ang mata ko sa gulat.
“Ikaw kasi, eh! Sabi ko sa ‘yo hindi ako galit!” sigaw ko pero sa totoo lang ay kinakabahan ako.
Kinuha ko ang kamay niya at tinignan ang daliri niya na ngayon ay namumula na. Nakonsensiya ako bigla. Hindi naman ako galit kaya hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari.
“You’re mad,” seryosong wika niya.
Hindi niya pansin ang daliri niya na hawak ko habang sinusuri. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso at madiin na parang kapag inalis niya ang paningin sa akin ay mawawala ko. Nag-a-assume na naman ba ako?
Imbis na sagutin siya ay hinila ko siya papasok sa loob. May natitira pa akong yelo sa pitsel ko kaya kinuha ko iyon at inilagay sa isang malinis na panyo. Seryoso kong inilapat ang cold compress sa kamay niya.
“Dahil ba sa sinabi ko?” ulit nito.
Ngayon ko lang naman na may pagkakulit din ang isang ito. Ako na nga itong nananahimik pero siya itong salita nang salita. Para siyang may nakain na kakaiba.
“Anong sinabi mo?” patay malisya kong tanong.
“Na hindi kita gusto,”
Nabilaukan ako sa sarili kong laway. Ang akala kong tinutukoy niya ay iyong pag-uusap namin kahapon!
“Nakakagalit ba iyon? Ano naman kung hindi mo ako gusto? Marami naman na may gusto sa akin,” I said, trying so hard to hide the fact that he is affecting me.
He is close to me again. Nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko. He has a mint mixed with a musky smell. It smells addicting. Gusto ko siyang singhot-singhutin pero magiging weird naman iyon lalo.
“H-Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko?”
Doon na ako napatingin sa kaniya. Hindi siya nakatingin sa akin pero namumula ang buong mukha niya. Para siyang bata na nalaman ng crush niya na crush siya nito. Umawang ang labi ko.
“The kiss…” I trailed off.
Nagtama ang mata namin. Hinihintay niya ang idudugtong ko pero dahil pilya ko ay hindi ko na tinuloy. Pinahawak ko sa kaniya ang cold compress at tinalikuran siya para kumuha ng maisusuot na maayos na damit.
Without a warning, I removed my top to put a bra on.
“Lovely!” tarantang sigaw nito. Kahit na nakatalikod ako ay nai-imagine ko ang itsura niya. He probably looks constipated.
Nang maisuot ko ang bra at damit ko at hinarap ko siya. Nakatalikod siya sa akin at bahagyang nakayuko. Napangisi ako.
“Grabe ka, kung makaasta ka ay parang virgin,” pang-aasar ko sa kaniya.
“But I am!” inis na sigaw nito.
Muli na naman akong nagulat sa nalaman. Birhen pa ang isang ‘to? No wonder ganito na lang siya maka-react! Pero sa totoo lang, hindi ko inaasahan iyon.
“Don’t worry, hindi naman nakaka-turn off ang pagiging birhen ng lalaki. Sa totoo nga, nakakaintriga ka.”
Mabilis kong sinuot ang maayos na short na nakuha ko. Bago naglakad ako papunta sa harapan niya. Bahagya pa siyang napakislot dahil sa biglang lapit ko sa kaniya. Akala siguro niya ay wala pa rin akong saplot.
“Tara na,” aya ko sa kaniya.
Nauna na akong naglakad palabas sa apartment ko. I could not hide the smile planted on my lips. How can he be so cute and hot at the same time? Kung pwede lang ay sa apartment na lang kami at ayain na lang siya makipaghalikan sa akin.
But it would be too much for him. Masyado siyang konserbatibo.
Tahimik lamang siya hanggang sa makarating kami kina Tiya Leya. Naroon din ang mag-asawa. Agad akong napansin ni Kuya Manuel at nilapitan.
“Lalo kang gumaganda, Lovely!” una nitong wika nang makalapit sa akin.
I smiled awkwardly. Tinignan ko ang asawa nito na si Ate Mayet pero tahimik lang na nag-aayos ng baso at pinggan sa ibabaw ng lamesa.
Napasinghap ako nang hilahin ako ni Mon papunta sa lamesa. Pinanghila niya ako ng upuan. Akmang uupo sa tabi ko si Kuya Manuel pero naunahan na siya ni Mon. Nagkatinginan ang dalawa, tila may pinag-uusapan na silang dalawa lamang ang nakakaintindi.
I ate in silence. Madalas ay si kuya Manuel ang nagtatanong sa akin. Minsan ay si Tiya Leya na panay ang tanong sa mga nagdaang araw. Si Ate Mayet ay tahimik pa rin. Somehow, I feel so concerned about her. Hindi ko pa siya narinig na nagsalita ng kahit isang sentence man lang.
“Masarap ba? Ako ang nagluto nito, tapos si Mama na sa iba.”
Tumango na lamang ako sa sinabi ni Kuya Manuel. Kaya pala maalat ay dahil siya ang nagluto.
My eyes watched Mon's hand when he added another scoop of rice to my plate. I frowned and looked at him.
“Tama lang 'yan, namamayat ka na.”
Wala tuloy akong nagawa kung hindi ubusin muli ang inilagay niya. Ayaw ko naman na makita nila na tinatanggihan ko ang libreng pagkain nila.
Nagpresinta ako na maghugas ng pinggan matapos naming kumain pero nauna na si Ate Mayet sa lababo. I tried to talk to her pero nakatingin sa akin si Kuya Manuel. Lumapit na lang ako kay Mon na nagpupunas ng lamesa.
“Caedmon,” tawag ko rito. Mukhang hindi pa rin nito nagugustuhan ang pagtawag ko sa pangalan niya.
“Bakit?” Huminto siya sa pagpupunas para tignan ako.
“Wala, ako na riyan.” Akma kong kukunin ang basahan sa kaniya pero inilayo niya sa akin.
“Lovely,”
I silently frowned. Nilingon ko si Kuya Manuel na tinawag ako.
“Pwede mo ba ako samahan? May inuutos si Mama. Sandali lang tayo, sa may tianggihan lang.”
Napakurap ako. Bakit kailangan ko siya samahan? He is creepy as hell! Akala niya siguro ay hindi ko napapansin ang palagi nitong pagnanakaw ng tingin sa akin.
“Ha?” I asked. I looked around to look for Tiya Leya but she was nowhere to be found. Nasa kwarto na siguro.
“Ano, tara? Sandali lang tayo. Wala kasi akong kasama—”
“Hindi siya pwede, may pupuntahan pa kami.”
Nasa tabi ko na ngayon si Mon. Madilim at seryoso ang tingin niya kay Kuya Manuel. Tulad kanina, may kung anong pag-uusap na namamagitan sa mga mata nila.
Bahagyang natawa si Kuya Manuel. “Ano ka ba naman, Rick? Sandali lang kami. Saka, ihahatid ko na lang siya sa pupuntahan niyo.”
I purse my lips while looking at Mon. He is watching me intently, waiting for my response.
“Anong iniutos ni Tiya? Ako na lang ang sasama sa 'yo.”
Nawala ang ngiti sa labi ni Kuya Manuel sa narinig mula kay Mon. Hindi na nito naitago ang pagkairita.
“Hindi na, ako na lang pala.”
Nauna na itong umalis at wala ng sinabi. Naiwan ulit kami ni Mon sa hapagkainan. Nagkatinginan kami pero walang nagsalita. Nagpatuloy na lang siya sa paglilinis ng lamesa.
“So, saan tayo pupunta?” nakangising tanong ko.
“Ikaw, kung saan mo gusto.”
Malakas akong napasinghap. I was only joking but I didn't expect him to agree! Para akong nanalo sa lotto sa sobrang tuwa. This is the first time!
Sumunod ako sa kaniya nang pumunta siya sa lababo para ibaba roon ang basahan. Naroon pa rin si Ate Mayet na tahimik na naghuhugas ng pinggan. Hanggang sa magpunta sa sala si Mon ay nakasunod ako.
“Sa dagat kaya? Hindi pa ako nakakapunta roon.”
Naririnig ko ang mga kwento nina Lance at Mike tungkol sa ganda ng dagat. Lagi raw sila roon noong high school sila, ngayon ay madalang na lang na magpunta. Inaaya nila ako pero wala kasi akong oras para sumama, ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng time.
“Gusto mong maligo?” tanong nito.
“Kung maliligo ka rin,”
Sa huli ay nagsiuwian na muna kami sa kaniya-kaniyang bahay para kumuha ng damit. Wala akong nadala na kahit anong swimwear, pero may mga bra at cycling naman na ako na pwedeng gamiting.
Nagkita na lang kaming dalawa sa sakayan ng tricycle. To my surprise, naroon din si Trisia na masayang nakikipagkwentuhan kay Mon.
Nabura ang ngiti ko sa labi. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa nakikita, pati na rin sa malakas na sinag ng araw.
“Hi, Lovely! Maliligo raw kayo sa dagat? Sama ako!”
Tinignan ko si Mon, nasa akin ang tingin niya. Wala akong makita na kahit anong pagtutol mula sa kaniya kaya ano pa ang pwedeng rason para tanggihan ko si Trisia? Hindi nga pala ito date.
Sa likod ng driver naupo si Mon. Kaming dalawa ni Trisia ang nasa loob. She just won't stop talking. Kung anu-ano ang kwento niya. Ako naman, ayaw kong maging bastos kaya tumatango at tumatawa ako kung kinakailangan. Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa makarating kami.
Hampas ng alon, amoy ng tubig alat, at pinong buhangin ang bumungad sa amin. Panandalian kong nakalimutan ang mga problema ko.
Sumunod ako sa dalawa na naglakad papunta sa isang kubo. Maliit lang ang kubo pero kasya kaming tatlo. May dalang pagkain si Mon, mga kutkutin. Mayroon din akong dala.
“Maligo na kayong dalawa, ako na lang ang magbabantay sa gamit.”
“Hindi ka maliligo?” tanong ni Mon kay Trisia.
Umiling ang babae. “Wala kasi akong dala na damit. Saka, sumama lang talaga ako para mag-relax ng kaunti.”
“May extra akong dala. You can borrow it,” I said.
“Hindi na, pero salamat. Maligo na kayo, babantayan ko ang mga gamit.”
Hindi ko na tinignan si Mon. Ibinaba ko na lang ang gamit ko at naglakad na papunta sa dalampasigan. Naglagay na ako ng sunblock sa bahay kaya hindi ko na kailangan.
Walang lingon-lingon kong inalis ang suot kong t-shirt. I was left with a nice pair of underwear, they kind of look like a two-piece.
Sinalubong ko ang alon. I smiled when the wave hit my whole body. Agad akong nagpunta sa may kalaliman at doon inilubog ang sarili.
Gosh, this is heaven. Bakit ngayon ko lang naisipan pumunta?
Ilang minuto rin akong nagbabad. Nawala sa isip ko na may kasama ako. Napansin ko lang na hindi na pala ako nag-iisa sa pagligo. Ilang metro mula sa akin ay nandoon si Mon. Walang pang-itaas na damit.
He's so hot. Pinalandas nito ang kamay sa buhok nito. His arm muscles flexed because of that. Saka ko lamang napansin na nakatingin na rin pala siya sa akin. My lips parted.
Napapaligiran ako ng tubig pero bakit nauuhaw ako?
I swam to him. Pag-ahon ko ay saktong nasa harapan na niya ako. Kaunting espasyo na lang ang namamagitan sa amin. Nakatingala ako sa kaniya habang siya ay nakayuko sa akin.
“Hindi mo sinabi sa akin na kasama si Trisia,” hindi ko naitago ang pagtatampo sa boses ko. “Not that I don't want her here. You should've told me.”
He breathed out. I inhaled his minty breath mixed with the salty water.
“Nagkasalubong lang din kami. I actually don—”
I stopped him. “Okay lang. I told you, I don't mind her being here. Besides, she's nice.”
Umalis ako sa harapan niya at naglakad na pabalik sa kubo. Pinulot ko ang damit ko pero may nauna nang maglagay ng tuwalya sa katawan ko.
Natulala ako. Pinanood ko ang likod ni Mon na naglalakad na pabalik sa kubo na parang hindi ako nilagyan ng tuwalya sa katawan. Mas inuna pa ako nito kaysa ang punasan ang sariling basa ng katawan.