Hindi ako nakakilos. Nanatili akong nakatingin sa patay na pusa na nasa sahig na dahil nabitawan ko ang lagayan nitong box. My heart ache. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong maramdaman. Ang matakot o masaktan na wala na ang pusa. Wala itong kabuhay-buhay. Hindi ko malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito, walang kahit anong dugo. Lumapit ako ang isang ginang sa akin. Nagulat pa ako dahil hinawakan niya rin ako sa braso ko. “Anong nangyari? Narinig ko ang sigaw mo.” “H-Hindi ko po alam,” nanginginig kong sagot. Napatili rin ang babae nang makita ang patay na pusa na malapit lang sa paanan ko. Napahawak pa ito sa bibig niya. “Jusko!” Dahil hindi ako makapag-function ng maayos ay tinawag na nito ang anak niyang lalaki. Pinakuha niya ang pusa para mailibing sa bukid. Halat

