It’s been three days since Mon called a doctor to check on me. Kahit ang doctor ay hindi makapaniwala na ang kailangan niyang suriin ay ang daliri ko sa paa. Ngayon maayos na at magaling ang daliri ko. Wala pa rin naman nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Pasalamat na lang ako na hindi kami nagkakasagutan, hindi rin naman kasi mukhang naghahanap siya ng away. Sa loob ng ilang araw ko rito, lagi ko naman nakakausap si Ivy tungkol sa hotel. Si Ivy at ang ibang managers ang pinakikilos ko habang wala ako. Alam ko naman na hindi sila mahihirapan dahil na-train sila ng maayos. “Rose?” tawag ni Kath. Nahinto ako sa ginagawa kong pagdidilig sa halaman. Ito na ang pinagkakaabalahan ko. Kung hindi nagluluto o tumutulong sa gawaing bahay ay nagdidilig ako o kaya naman ay tinutulungan si Kath sa

