CHAPTER 3

955 Words
Gizani's POV: Muli naming napagdesisyunan na mamigay ni Jessica ng flyers. Sayang at tinanggal agad namin ang aming mga face paint at costume. Nagprint ulit kami, nakaipon kasi kaming dalawa noon sa pagtitinda ng popcorn sa labas kaya nagawa naming bumili ng printer at ilang supot ng bond paper. Ako ay abalang naggugupit habang si Jessica ay lutang na nakakaabang sa may printer. Nakangiti siya at inaalala ang gwapo kaninang lalaki na mukhang bigatin at nakasuot ng mask. Hindi na namin siya sinundan pa dahil magmumukha naman kaming stalker. Nagpunta siya sa circus tent na mukhang manonood. "Hoy Jessica, ang hilig mo talaga sa pogi! Tantanan mo na iyang kakapantasya mo roon sa lalaki, ibigay mo na sa akin iyang mga natapos na iprint. Naku, imbes na tulungan mo akong maggupit ay tulala ka na naman d'yan. Mas mabilis sana tayong matatapos," inis kong sabi kay Jessica. "Gizani naman eh, alam mo feeling ko kamukha niya iyong bachelor na gwapong businessman na sinasabi ko sa iyo! Naku, type na type ko talaga iyon! Kung may kapatid nga ay iyon na lang dahil medyo malaki ang agwat ng edad namin. Nasa 30 years old na kasi siya," nakanguso niya namang sabi. "Makapangarap ka r'yan akala mo naman ay papatusin ka. Ang gusto ng mga ganiyan ay mala-super model ang datingan katulad nila Gigi Hadid o kaya ni Kendall Jenner! Mga babaeng ubod ng gaganda, sexy, at mayaman!" pagputol ko naman sa kaligayahan ni Jessica. "Tse, bitter! Palibhasa NBSB ang dakilang si Gizani Hermes Khalil! Hermes ang second name pero cheap ang taste pagdating sa nagiging crush," pang-aasar naman sa akin ni Jessica kaya hindi ako makapaniwalang napasabi ng 'wow'. May mapang-asar siyang tingin sa akin habang kumukuha ng gunting. Tinulungan niya na rin ako sa wakas na maggupit. 200 pieces ulit ang gagawin namin at baka sarado na ang perya ay hindi pa rin kami tapos. Matapos ang kalahating oras na paggugupit ng papel ay natapos na rin kami ni Jessica. Sumakit ang kamay ko sa dami, sa isang bond paper kasi ay may apat na gugupitin. Sayang sa papel kaya pinagsiksikan ko na ang mga flyers. Hindi naman kailangan ang masyadong malaki, ang mahalaga ay kita ang mga text at ang mukha namin. "Tara na para matapos na tayo. Tutulong pa tayo mamaya maglinis sa circus tent," nakangusong sabi ni Jessica. "Kaya nga. Mukhang mas gusto ko na lang magperform kaysa sa ganito. Mas nakakapagod," reklamo ko naman. Sa may unahan naman kami ng perya namigay ng flyers. Dito kami pumwesto para mabigyan namin ang mga dumadaan. Napapapasok naman sila dahil curious. Alam kong karamihan sa kanila ay hindi pa nakakapanood ng circus. Naku, hindi lang kami sikat pero pwede na kaming pangworld tour! Napakagaling kaya ni Tita Dina at mudra! Syempre, pati kami ni Jessica na second generation. "Flyers po kayo r'yan! Pasok na kayo sa Perya de Casa at manood ng aming circus! May babaeng bumubuga ng apoy at babaeng nagbabali ng buto! May komedya rin at magagaling na asong tumatalon sa hula-hoop! Pasok na kayo! Sa halagang isang daang piso ay makakapanood na kayo! Seventy pesos lamang sa mga bata at libre kapag wala pang dalawang taong gulang!" sigaw ko habang namimigay ng flyers. Murang-mura na nga ang bayad sa perya namin. Sa halagang 100 piso ay makakapanood ka na ng perya. Sa iba ay mahal ang bayad at talagang masakit sa bulsa. May discount pa nga sa amin ang mga bata, libre pa ang mga toddler! "Perya de Casa ba ito? Bill ni Lhena Khalil," tanong sa akin ng isang lalaking nakasuot ng Meralco na damit. "Oo, kuya. Hindi mo po ba kita itong banner na nasa itaas? Ang laki-laki na oh," pabalang kong tanong. Masama naman niya akong tiningnan at inabot sa akin ang sobre. Mukhang bill na naman namin ito sa Meralco. "Napakataray mo naman. Magbayad na kayo ng kuryente ninyo dahil may notice na kayo sa Meralco! Lagi na akong pabalik-balik dito, sa isang linggo ay puputulan na kayo kapag hindi pa kayo nakabayad! Tatlong buwan na ang pending niyo!" mataray na sabi nitong lalaki at inis na umalis. "Hala, patingin nga ako, Gizani. Paniguradong malaki na naman ang bill natin," sabi ni Jessica at kinuha sa akin ang sobre. Binuksan niya at tiningnan namin kung magkano. Nanlaki naman ang mata naming dalawa. Sa tatlong buwan ay nasa 23,000 pesos mahigit na ang babayaran namin sa kuryente. Napakaliit pa ng kinikita ngayon ng aming peryahan. Tubig pa lamang ang kaya naming bayaran na ang bill naman namin ay mahigit isang libo sa isang buwan. Tipid na tipid na nga kami sa paggamit. "Paano na ito?" tanong ni Jessica kaya napabuntong hininga naman ako. "Ehem." May tumikhim naman sa gilid ko kaya napatingin ako roon sa mama. Ito iyong mama na nakaitim kanina, envelope naman ang iniabot niya sa akin. "Pakibigay kay Mrs. Lhena Khalil," sabi ng mama at umalis na. Binuksan ko naman ang envelope at tiningnan ang nasa loob. Dito naman lalong nanlaki ang mata ko. May gustong bumili ng lupa namin at inaalok kami ng dalawang milyong piso. Kahit malaking halaga ito ay tiyak na hindi ipagbebenta ni nanay ang lupa! At ano rin ba ang mayroon sa sobre at envelope ngayon? Puro pera ang usapan! "Sino kaya ito? Mukhang makapangyarihang tao. Baka mamaya ay opisyal ito rito sa Laguna," bulong ko kay Jessica. "JN. Caruso ang nakalagay na initials. Paniguradong iyan ang nagpadala. Sino naman kaya at bakit hindi pormal na pumunta?" takang tanong ni Jessica. "Hindi ko alam. Ibigay na muna natin ito kay mudra," yaya ko kay Jessica at naglakad na kami papunta sa may circus tent. Kailangan nila itong malaman agad. Sino nga ba ang JN. Caruso na iyon? Nacurious naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD