Sobrang saya ni Ligaya. Ito ang unang pagkakataon na lumabas siya nang hindi kasama ang kaniyang pamilya. Kung hindi man ang pamilya niya ay si Ilaya ang kaniyang kasama kapag nag a out-of-town siya.
"You seem very happy. At least masayang memory ang babaunin ko." at doon naman siya napabaling dito. Halos yakapin niya kasi ang buong paligid kung kakayanin lang sana niya dahil sa gaan ng pakiramdam na ibinibigay nito sa kaniya. Pero dahil sa sinabi ni Eric ay biglang bumigat ang pakiramdam niya. Ano'ng nangyayari?
"You are really leaving, huh?" iniiwas niya ang tingin dito. Bigla siyang nailang muli sa kanilang sitwasyon.
"I have to. But..." napatingin naman siya muli dito dahil sa pagbitin nito sa sinasabi.
"But what?" hindi niya maiwasang hindi ma-curious.
Natawa ito. Tila naaaliw sa reaksyon niya. Kinunot naman niya ang kaniyang noo upang ipakitang seryoso siya. "But, I will attend, don't worry." titig na titig ito sa kaniyang mga mata na tila may nais itong sabihin sa kaniya ngunit hindi niya maintindihan. Ilang sandaling natahimik ang paligid at tanging mga panggabing insekto at musika ng hangin ang naririnig.
Siya ang unang nagbawi ng tingin. Tumikhim siya. Pakiramdam niya ay may nakabarang kung ano sa kaniyang lalamunan. "You should be. Ikaw ang best man."
"Or should we say, the best man always win?" biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Gulat na gulat pa siyang napatingin dito.
"Eric..."
Tumawa lang ito. Naaaliw sa reaksyon niya. Ginagawa ba siya nitong clown? Mukhang aliw na aliw ito sa mga reaksyon niya. "I'm like an i***t here. Natatawa ako sayo sa mga reaksyon mo. And I don't know why." pag-amin naman nito sa kaniya. Naipilig naman niya ang kaniyang ulo. Saka niya napansin na medyo malalim na pala ang gabi. Tapos na silang kumain ng dinner. Itinuloy lamang nila ang pamamasyal upang masulit ang araw nila. Parang ayaw na nga niyang matapos pa pero hindi naman iyon puwede. Pareho silang may trabaho pa kinabukasan.
"Masyado na yata tayong nag-eenjoy. Uwi na tayo?" labag man sa nararamdaman ay kailangan. Baka kung ano pa ang isipin ng magulang niya kapag nalaman ng mga ito kung sino ang kasama niya ngayong gabi.
"Akala ko hindi na matatapos ang gabing ito." naramdaman na naman niya ang titig nito. Hindi niya tuloy maibalik ang tingin dito.
"Akala ko talaga seryoso ka sa buhay. Masyado kasing seryoso ang segment mo. Pero infairnes naman sa boses mo. Ang sarap sa tainga." Nakakainlove. Hindi na niya isinatinig pa ang huling salita. Natakpan pa nga niya ang bibig niya para hindi talaga iyon kumawala.
"Really? Masarap sa tainga?" nilingon niya si Eric pagkasabi nito niyon at nakita niya ang ngiting aliw na aliw na naman sa kaniya.
Siya na ang naunang nagtungo sa big bike nito. "Umuwi na tayo." muling yakag niya dito. Binalewala ang tanong nito.
Hindi pa rin naman nawawala ang ngiti sa mga labi ng binata. Iniabot nito ang helmet sa kaniya. Nagsuot na ito ng kaniya samantalang siya ay hindi mawala sa isipan niya ang ngiti nito habang isinusuot ang helmet. Hindi na niya hinintay pang tulungan siya nito sa pagsampa at siya na mismo ang sumampa sa likod nito.
Wala na siyang narinig na salita pa mula dito at agad na nitong pinasibad ang motor paalis sa lugar.
Tapos na. Hindi niya alam kung ano ang totoong nararamdaman niya ngayon. Magkahalong saya at lungkot. At nagi-guilty siya. Ayaw niyang i-entertain ang weird na pakiramdam niya para kay Eric. Ang iniisip niya ay ang para kay Enric. Iniisip niya rin ang kanilang mga magulang. Ano ang dapat niyang gawin?
Sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi na niya namalayan na nasa harap na pala sila ng kanilang bahay. Ganoon lang ba kabilis? Bakit parang sandali lang silang naglakbay?
"See you...when I see you?"
Tumawa siya. "You'll get over it." hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. Kung para kay Eric ba ang mga salitang iyon o para sa kaniya?
"Good night." anito imbes na sagutin ang kaniyang sinabi. Bumalik na naman ang seryosong awra nito.
Nakagat niya tuloy ang kaniyang ibabang labi at ibinigay na niya dito ang helmet. Nahawakan pa nito ang kaniyang kamay. Napapiksi siya dahil doon. Biglang nanumbalik ang dati nilang awkward na pakikitungo sa isa't-isa. "Uh, ingat ka." Lakas-loob siyang tumitig sa mga mata nito. Nahuli tuloy niya itong nakatingin sa kaniyang mga labi. She even saw him licked his lower lip bago ibinaling ang mata nito sa kaniya.
"I will. Pasok ka na." tumango na lamang siya at sinunod na ang sabi nito. Ayaw na niyang magtagal pa dahil para na siyang matutumba. Para kasing biglang nanghina ang kaniyang mga tuhod. "Uh,..." pumihit siya at muli itong hinarap nang may maalala. "Thank you for the day." parang may kumurot sa puso niya nang tumango lamang ito at kumaway sa kaniya. She can't entertain what her heart wants now. Hindi iyon puwede. Unfair iyon kay Enric na sinusubukan mag-work silang dalawa samantalang siya ay walang ginagawang way para sa relasyon nila ni Enric.
Kinabukasan ay nagulat pa siya nang magyaya si Enric na mag-date daw sila. As in silang dalawa lang. Hindi na kasama ang barkada nito. May mga gagawin pa siya sa gallery kaya sinabi niyang gabi nalang sila lumabas. Dinner is not bad. Iyon naman talaga ang usual na oras para sa mga date. A dinner date it is.
Ngiting-ngiti pa ang Kuya niya nang sunduin siya ni Enric sa mismong bahay nila. Kinunutan pa niya ang kapatid nang may ibulong ito sa kaniya. "Isa lang dapat." then he smirked.
Alam niya ang ibig nitong sabihin. Ito rin kasi ang nag-iisang gising kagabi nang ihatid siya ni Eric. "Ewan ko sayo." ismid niya sa kapatid at dumiretso na kay Enric na nakangiting naghihintay. She needs to decide for herself. At dapat ay sure siya. Dapat ba niyang pairalin ang puso niya o mas dapat na utak niya ang masusunod?
"You look..." Sinadiyang bitinin ni Enric ang sasabihin nito.
"Enric..."
He chuckles. "You look like your brother." anito sabay tawa. Tiningnan niya ang kuya niya at nakita niyang tumatawa din ito ng tahimik. She rolled her eyes in him before turning to Enric.
"What else can I say? He's my brother so I don't have a choice." kibit-balikat niyang turan. Tumigil naman sa pagtawa si Enric at ngumiti na lang. ibang-iba ito kay Eric. Alam na niya ang pagkakaiba ng trato niya sa magkapatid. Pero hindi pa siya handa sa kalalabasan kapag namili na siya.
"You're pretty." tumitig ito sa kaniya. Bakit ganon? Parang hindi naman siya kinilig dun pero natuwa ang puso niya. Nginitian niya ito.
"I know. Matagal na." anaman niya at binuntutan niya iyon ng tawa.
Tumango naman ito at nakitawa sa kaniya. "Yeah, right." iminuwestra nito ang braso sa kaniya. "Shall we?"
Tumango siya at kumapit na sa braso nito. Kung sino man ang makakakita sa kanila, aakalain na sila na. Pero bakit pakiramdam niya ay parang best friends lang ang turingan nilang dalawa?
Dinala siya ni Enric sa isang fine dining restaurant sa Global City. Masasarap ang mga inorder nilang pagkain. Kahit na maliliit ang serving ay nabusog naman siya. Ang cheese cake na dessert ay hindi ganoon na nakakasawa kaya naman naubos niya ang isang slice.
"Busog na busog ako." pag-amin niya sa binata.
"Ako din. Paborito namin dito nila Rixie." napatitig siya dito. Rixie? So, ito pa rin pala ang nasa isip niya kahit na sila na ang magkasama.
"Oh." tanging nasabi niya. Tinitigan niya si Enric. She wants to know the real score. Between Rixie and Enric. Pero gusto niyang mismong si Enric ang magsabi sa kaniya.
"Joy, I know it's hard for you. But we need to try." seryosong sabi nito taliwas sa inaasahan niyang sasabihin nito.
"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Hindi naman tayo nagmamadali. Two months pa naman bago ang kasal."
"Two months." he chuckles. "It's like a year, huh?"
"Having second thoughts? In love ka na?" wala sa sariling tanong niya. Sinabi na nito iyon dati. Noong hindi pa niya alam na ito si Enric pero hindi siya naniwala.
Tumawa naman ito sa kaniya ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang saya. Parang sarcastic pa nga ang tawa nito o kaya ay pekeng tawa lang. "Why would I be in love? And to whom? May karapatan ba akong makaramdam n'on?" pakiramdam niya ay nararamdaman niya ang sakit na dinadamdam ni Enric sa puso nito. She is affected. Bakit nga ba nararanasan nila ito ngayon? Sana hindi nalang sila pumayag. Para hindi na sila nagkakaproblema ng ganito.
Hanggang sa mismong araw ng kasal nila, dala-dala niya pa rin ang isiping iyon kaya naman nag desisyon na siya na hindi lang para sa kaniyang sarili kundi para na rin kay Enric.
Present
"You really are crazy. I thought you're not coming to the wedding. Now, you're driving a taxi cab. What's with you, Eric?" she exclaimed. Para maibsan ang kabang nararamdaman niya. Pero may bahagi sa puso niya ang masaya.
"Ikaw itong basta nalang tinakasan ang sariling kasal. Tapos bigla ka nalang sumakay sa taxi ko, then ikaw pa itong nagagalit ngayon? Hindi ka ba masayang ako ang tagapagligtas mo?" nagulat siya sa tinuran nito. Hindi dahil sa sinabi kundi dahil sa haba ng sinabi nito. Nainis yata niya ito ng husto. Tama naman ito. Siya na nga ang tinutulungan ay siya pa itong may ganang magalit. Pero hindi naman siya galit. Pampawala lang ng kaba niya dahil muli na naman kasing nabuhay ang kabang akala niya ay naibaon na niya sa kailaliman ng puso niya.
She love Enric. But that love never exceeds the love for a brother and a friend. She sacrificed for him. Dahil mahal niya ito. Alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Enric para sa kaniya at hindi nila maaaring pilitin ang mga sarili nila kung sa una palang, alam na nila sa mga sarili nila na hindi lalagpas sa pagkakaibigan ang pagmamahal nila sa isa't-isa.
"I love Enric and I don't want him to suffer forever because of this nonsense marriage." wala sa sariling nasambit niya na imbes sa isip lang.
She heard him chuckle. "So you're declining my proposal?" tanong nito ngunit hindi naman ito nakatingin sa kaniya. Ano ba? Nababaliw na ba talaga ito? Maayos naman sila noon bago ito ilang linggong naging missing in action. At bakit siya magpapakasal dito?
"Seryoso ka talaga? Gusto mo ba akong mas lalong mapahiya? Tinakbuhan ko ang kasal namin ng kapatid mo tapos ngayon iniisip mo na papayag ako sa alok mo? Hindi naman siguro ako ganoon ka-desperada sa fame, 'no?" she rolled her eyes. Bumuntong-hininga siya dahil feeling niya ay pagod na pagod siya dahil sa problemang kinakaharap niya ngayon.
"Okay. I' m sorry. So what now? Where do you want to go?" mayamaya'y tanong nito. Kita niya ang pagsuko at simpatya sa mukha nito. Saan nga ba siya pupunta? Hindi niya rin alam.
"Your call. Now, I trust you. Pero may kukunin lang akong importanteng bagay sa bahay. Walang tao doon maliban sa mga guards. But I can deal with them." aniya dito. Kita niya ang gulat sa mukha nito na kalaunan ay napalitan naman ng ngiti. It's like a relief for him to hear those words from her.
"Deal."sambit naman nito at muli ng binuhay ang engine ng taxi at pinaharurot na sadaan. Why she feels good now? Ah, maybe this is the best decision she had ever done to her life.