Months before the Wedding day
Nasa SM Megamall si Ligaya Mora. Nag-iikot siya para man lang ipayapa ang inaamag na niyang talent sa pagpipinta. Lately kasi ay parang wala siyang magandang subject na makita para sa next exhibit nila.
Kasosyo niya sa negosyo ang kaniyang kaibigan na si Celene Ilaya Datu. Walang amor sa napili niyang propesyon ang kaniyang pamilya. Pawang mga nasa mundo ng Medisina at Abogasya ang mga ito. Ang Daddy niya ay isang kilalang Judge na si Judge Immanuel Mora at ang Mommy niya ay isa namang kilalang Thoracic Surgeon na si Dra. Ivanna Mora. Bihira sa babae ang maging isang Thoracic Surgeon dahil mahirap iyon ngunit ang kaniyang ina ay pinatunayang kung kaya ng lalaki ay kaya rin ng mga babae.
Ang Kuya niya naman na si Jude Rikael Mora ay isa namang matinik na Agent ng NBI at ang kaniyang kapatid na bunso na si Will Ivan Mora ay nahihilig din sa pagme-medisina. Kaya naman palagi siyang pinagsasabihan ng ama na walang patutunguhan ang tulad niyang isa lamang hamak na pintor.
Ngunit ang naging kakampi niya sa kanilang pamilya ay ang kaniyang lolo. Ito ang palaging nagpapalakas ng loob niya at lagi nitong sinasabing maganda daw ang mga gawa niya. Na kahit sinuman daw ang makakita ay mararamdaman ang kung anumang damdamin ang nakapaloob sa larawang iginuhit niya. Ngunit nawala ang number one fan niya nang mamatay ang lolo niya dahil na rin sa katandaan. Pero nakilala niya si Ilaya at agad silang naging magkaibigan dahil pareho silang mahilig sa art. Ngunit hindi pa man niya nakikilala si Ilaya ay nakailang exhibit na siya dahil ang lolo niya ang nagbigay ng maliit na gallery niya. Nang mawala ito ay kasabay na nawala ang kaniyang gallery dahil na rin sa mga magulang niya. Kaya naman nang makilala niya si Ilaya ay agad siyang pumayag sa alok nito.
Meron naman siyang ipon at kasama na doon ang iniwan ng kaniyang lolo naghati sila ni Ilaya sa pagpopondo sa itinayo nilang art gallery sa Quezon City. Tatlong taon na nilang pinapatakbo ang Ilaya Arts. At tama ang kaniyang lolo. Lahat ng mga komento sa gawa niya ay pareho ng mga sinabi ng kaniyang lolo kaya mas lalo niyang minahal ang kaniyang napiling propesyon. Nakapagpatayo na rin rin siya ng ilang mga foundation para sa mga bata na nahihilig din sa art na walang kakayahang bumili o magbayad para makapag-aral.
Kaya lang kung kailan succesful na siya sa kaniyang pagpipinta ay saka naman siya ginulat ng kaniyang magulang isang araw pag-uwi niya sa kanilang bahay.
“His family is into business at mas magiging malawak ang kapangyarihan ng pamilya natin kapag siya ang napangasawa mo.” Iyon ang bungad sa kaniya ng ama. Gusto nitong magpakasal siya sa bachelor na si Enric James Ongpico. Ang isa sa kambal na anak ng isa sa mga pinakakilalang business tycoon ng bansa na si Enrico Ongpico. May chain of hotels at malls ang pamilya Ongpico kaya kilala ng kahit na sino ang mga ito. Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan. Pamilyar sa kaniya ang pangalan. Right! He’s the well-known playboy of their campus wayback in higschool kahit na college na ito noon. Hindi kasi ito tulad ng kakambal nitong si Eric John na tahimik. Magkalapit lang kasi ang campus nila sa University na pinapasukan nito. But she never had any encounter with him, hindi dahil sa hindi sila nagpapang-abot kundi dahil iniiwasan niya talagang makasalamuha ang mga ganoong tao. Luckily, hindi niya ito batch.
Habang nagmu-muni muni dahil sa kinasadlakang problema ay hindi niya namalayan na nakapasok na pala siya sa arcade ng mall. Narindi siya sa ingay doon. At bago pa siya mabingi ay minabuti na lamang niyang umalis. Ngunit hindi pa man siya lubusang nakakalabas nang may bigla na lamang siyang nabangga.
Nahilo yata siya sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya kaya naman hindi muna siya gumalaw agad. Ngunit napakislot siya nang maramdaman ang marahang paghaplos ng kamay ng nakabangga sa kaniya. “Sorry, are you okay?”
Tiningala niya ang nag-mamay-ari ng malambing na boses na iyon. Bigla siyang nakaramdam ng pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. Familiar ang mukha at may kaboses ito pero…Hindi, iba ang timbre ng boses ni DJ crush. May sarili ng diskusyon ang isip niya. Naipilig niya ang ulo at muling itinutok ang atensiyon sa lalaki. Kung sing-guwapo naman nito ang makakabangga niya ay araw-araw na siyang magpapabangga. Kaya lang ay bigla namang nag-inarte ang noo niya nang maramdaman ang sakit na dulot ng pagkakabangga niya sa dibdib ng guwapong lalaki.
“Miss?” untag nito dahil wala siyang naisagot sa tanong nito. Para naman siyang natauhan nang muling marinig ang boses ng lalaki.
“Ah, yeah. Medyo nahilo lang. But I’m okay, don’t worry.” Pagkasabi niyon ay umayos na siya ng tayo ngunit hindi pa rin siya hinayaan ng lalaki at inalalayan pa rin siya. Siya na ang bahagyang lumayo dito dahil naiilang na siya dito.
“Alone?” napatingin siya sa lalaki dahil sa tanong nito.
“Uhmmm?” alangan man ay iyon pa rin ang itinugon niya dito.
“Wanna join my team? Pampatanggal stress lang. Naglalaro sila sa loob.” Magaang sambit nito. Hindi sana siya tutugon pero mukha namang harmless ang lalaki. Hindi dahil sa guwapo ito kundi dahil sa paraan ng pagyaya nito sa kaniya. Para kasing napakagaan agad ng loob niya dito at ganoon din ang lalaki.
“All boys?” tanong pa niya na ikinatawa naman nito at ikinailing. There is something with this man na hindi niya maipaliwanag kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya. And his laughter. Para siyang idinuduyan sa hangin. How come she felt that way for a man that she only met?
“Two girls and three boys including me.” Anito. Napabuga naman siya ng hangin. May babae naman pala.
“Pwede ba ako? Baka ma-OP lang ako sa inyo,” aniya na mabilis namang ikinailing ng lalaki. Nakangiti na ito at kitang-kita niya ang dalawang dimple sa magkabilang pisngi nito.
“You’ll know. It would be our pleasure. So, let’s go?” iminuwestra pa nito ang loob ng arcade. Maingay sa loob at magulo. Hindi tulad ng inaasahan niyang mapupuntahan dahil sa nais niyang may maidagdag sa inspirasyon niya upang muling magkabuhay ang kaniyang mga ipinipinta. But the place makes her imagination go wild. Why not? Maiba naman ang aura ng mga subject niya.
Halo ang emosyong nararamdaman niya. Naroon ang kaba dahil unang beses na sumama siya sa estranghero at ang excitement sa gagawin niyang experiment para sa kaniyang pagpipinta.
“Guys!” sambit ng lalaki nang makalapit sila sa isang grupong naglalaro ng Air Hockey. Alam niya ang larong iyon. Hockey siya na table ang ginagamit. Parang sa tennis may table tennis sa hockey naman ay may air hockey. Masayang naglalaro ang mga ito at natigil lang nang mapatingin sa kaniya. Bigla siyang nanliit sa klase ng tingin ng mga ito. Hindi nga nagsisinungaling ang lalaki. Dalawang lalaki at dalawang babae ang mga kasama nito.
“Ejay. Tagal mo. Nakailang rounds na kami ni JC.” Lumapit ang isang lalaki na medyo mahaba ang buhok na tinalo pa ang buhok niya dahil bagsak na bagsak ito.
Narinig niyang nagtawanan ang mga kasama. Nakipagkamay ang lalaki kay Ejay. Iyon ang kulang. Ni hindi man lang niya naitanong ang pangalan nito kanina at pati siya ay hindi nakapagpakilala.
“Sino siya?” biglang tanong noong babaeng may pixie cut na buhok. Mukha itong manika sa paningin niya. Ang cute kasi nitong ngumiti.
“Oh, sorry. I’m Joy.” Aniya sabay tingin sa lalaking halatang hindi alam ang isasagot sa tanong ng kaibigan nito.
Sabay-sabay na nag “oh” ang mga ito na ikinainit ng kaniyang pisngi. Iba kasi ang ibig sabihin niyon sa pandinig niya lalo pa at iba din ang kahulugan ng mga tingin ng mga ito sa kaniya.
“I invited her to join us here. Ahmm, Joy, this is Andrew,” sabi ni Ejay sa lalaking unang bumati dito kanina. “Si JC, the playboy.” Nagtawanan ang mga ito maliban sa lalaking nagngangalang JC. “That cute lady with a pixie hair is May and the other one who’s very silent is Rixie.” Sabay na lumapit ang dalawang babae sa kaniya at nakipagbeso.
“Nice meeting you, Joy.” Sambit ni May. Ngumiti lang naman si Rixie sa kaniya. Hmmm, iba ang aura ng babaeng ito. Sambit ng kaniyang isip. Iba ang pakiramdam niya kay Rixie. Sabi nga nila, kapag tahimik, ibig sabihin may itinatago. Iyon ang talent niya. Mabilis siyang makahalata sa pag-uugali ng isang tao.
“Sana hindi ako maging sagabal sa inyo?” nahihiya pang sambit niya.
“Of course not. Actually, first time na nagdala ng babae itong si Ejay simula nang malaman niya noong college kami na may fiancée na siya.” Masayang sambit ni May. Nang balingan muli niya si Rixie ay iba na naman ang nakita niyang emosyon mula sa mga mata nito. And that information na may fiancée na pala si Ejay. Sayang. Naibulong ng kaniyang isip. Well, now that she had enough time to see his face, masasabi niyang guwapo si Ejay. Guwapo din naman ang mga kaibigan nitong lalaki pero para sa kaniya ay iba ang karismang tinataglay ni Ejay. Lalo pa at kapag ngumingiti ito na halos nakapikit na ito dahil sa pagiging singkit ay akala mo napapadpad siya sa alapaap. Hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na iyon pero alam niyang hindi niya dapat iyon maramdaman para sa isang estranghero. At iyon ang bagay na dapat niyang iwasan. Pero sa ngayon ay mag-i-enjoy muna siya. May pakiramdam kasi siyang matagal na niyang kilala si Ejay and that was weird. Parang may mas batang version kasi ng mukha nito ang pilit na lumilitaw sa kaniyang isipan ngunit hindi mabuo-buo.
She enjoyed playing games with her new found friends. Ngayon lang siya nakaramdam ng kalayaan. At gusto niyang maramdaman ng buong-buo dahil sa mga susunod na buwan ay makukulong na naman siya sa katotohanang ikakasal na siya sa lalaking hindi naman niya mahal.
“I’ll bring you home. Saan ka ba nakatira?” natahimik ang lahat nang magsalita si Ejay. Maging siya ay natigilan. Wala siyang dalang sasakyan. Sumakay lamang siya kanina kay Ilaya at nagpahatid dito kaya naman ang gagawin sana niya ay magco-commute siya pauwi. Pero heto ngayon ang tuksong parang kay hirap niyang tanggihan. Seryoso kasing nakatingin sa kaniya si Ejay. Hindi niya mawari ang tingin nito. May kung anong ibig sabihin ang mga mata nitong parang gustong ipaintindi sa kaniya.
“Ah, don’t bother. Magta-taxi na lang ako.” Awkward siyang ngumiti dito. Napatingin siya sa mga kasama na tila ay hinihintay naman ang sagot ni Ejay.
“I insist.”
“Huh? Ah..” hindi alam ni Ligaya kung ano ang tamang salita para hindi ma-offend si Ejay sa pagtanggi niya pero nakakatemp din na tanggapin ang alok nito.
“Walang tiwala sayo, Bro.” biglang kantiyaw ni JC na binuntutan ng tawa ng dalawa pang kasama maliban kay Rixie.
“Ha? Ah, hindi naman sa ganoon. Baka lang kasi nakaka-istorbo ako.” Pagtatanggol naman niya kay Ejay. And this is weird. Kailan ko pa natutunan na ipagtanggol ang isang bagong kakilala? Sambit ng kaniyang isip.
“Hindi ka istorbo kay Ejay. Maniwala ka, Joy.” Biglang sabat naman ni Andrew. Binalingan ni Ejay si Andrew at nag-peace sign naman dito ang lalaki. Somehow, she felt like they were her friends for a long time. Hindi niya maramdaman na iba siya sa mga ito dahil sa mga biruan nila. Even if there is something on how Rixie eyed her, hindi na niya iyon pinansin pa.
Sa huli ay pumayag din siya na ihatid ni Ejay dahil isasabay din pala nila si Rixie. Mauuna nga lang na bababa si Rixie dahil sa La Vista pa siya samantalang sa may Corinthian Gardens lamang si Rixie. Kaya naman nang mapag-solo na sila sa sasakyan ay hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin.
“If I have given the choice, hindi ako magpapakasal sa babaeng gusto ng mga magulang ko para sa akin.” Biglang nagsalita si Ejay na ikinalingon niya. So, they have the same situation. Naniniwala pa rin pala talaga ang mga magulang nila sa sinaunang paniniwala ng mga nakatatanda.
“Why’d you agree to marry the girl anyway?” curious niyang tanong.
“For fun, I think?” kumunot ang noo niya. Doon naman sumulyap si Ejay sa kaniya. Nakuha naman agad nito ang ibig niyang sabihin sa reaksyon niya kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. “I mean, I don’t really have a choice. I have never been in love so wala akong maipapakilalang babae sa mga magulang ko na gusto ko talagang pakasalan.”
Ewan ni Ligaya pero parang natuwa siya sa sinabi nito. Kung tutuusin, wala naman siyang dapat na ikasaya sa sinabi nito dahil parang naglalaro lang naman ito. But she’s happy for it. Hindi niya tuloy alam kung ano ang ibig sabihin ng sayang nararamdaman niya. “Do you really mean it?” naitanong niya bigla.
Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. “What do you mean?” pagkuway tanong nito. Hindi pala nito nakuha ang ibig niyang sabihin.
“That you have never been in love?” paglilinaw naman niya.
He sarcastically smiled at her. “I just don’t think it is right to fall in love anymore when I know I will be married soon.”
Natawa siya sa sagot nito. Hindi naman nasagot ang kaniyang tanong. “Hindi mo sinagot ang tanong ko. Simple lang naman ang sagot doon.”
“If I say I am in love now. Would you believe me?” biglang naging seryoso ang mukha nito. Hindi niya tuloy maintindihan ang reaksyon niya sa sinabi nito. Hindi siya makasagot. Nakatitig lang siya dito. Natauhan lang siya nang tumawa ito. “See? Walang maniniwala na mai-inlove ako.”
Parang may kumurot sa kaniyang puso dahil sa sinabi nito. Para kasing may mabigat itong dinadala pero pilit nitong itinatago sa pamamagitan ng pagtawa at pagngiti. Is he really in love with someone else?
“May kakilala ako na dito din nakatira.” Biglang sambit nito nang papasok na sila ng La Vista.
“Really? Baka kilala ko?”
“Ligaya Mora.” Parang tumigil ang t***k ng puso niya nang marinig ang sariling pangalan. Sino ang lalaking kasama niya? Bakit siya nito kilala at siya ay hindi?
“What did you say?” tanging nasambit niya. Hindi niya kasi alam kung ano ang tamang sasabihin nang sa pagbanggit nito sa pangalan niya.
“I know you. At hindi ko alam kung bakit hindi mo ako kilala.”
Sa sinabi nitong iyon ay napatitig siya sa mukha ni Ejay. Then she realize something. “No, I thought you’re…” hindi niya maituloy ang sasabihin. Kanina pa niya iniisip kung bakit parang pamilyar ang mukha nito.
“I’m Enric James Ongpico, your fiancé.” Anito sa mababang boses na nagbigay sa kaniya ng pakiramdam na panlalamig. Hindi niya namalayan na nasa tapat na sila mismo ng kanilang bahay. “Can I have your number so we could at least start dating? Just to make it formal?” tulala siya kahit pa alam na niya ang ibig nitong sabihin. Wala sa sariling ibinigay niya dito ang kaniyang cellphone number. “I’ll call you when I got home.” Anito. Doon siya natauhan at mabilis siyang umibis ng sasakyan nito.