Naroon ang grupo ni Enric sa gallery. Mataman na pinagmamasdan ng mga ito ang mga display na paintings. Ito pa iyong mga gawa niya noong nag-uumpisa palang siya at tanging ang lolo palang niya ang nakaka-appreciate ng mga gawa niya. Marami na siyang naibenta pero may mga importante pa rin sa kaniya na hindi niya kayang pakawalan. At iyon ang mga naka-display ngayon sa gallery.
“Kailan ang next exhibit?” nagulat pa siya nang may lumapit sa kaniya. Malayo kasi si Enric. Nagbatian naman sila at siya na mismo ang nagsabi dito na maglibot sila sa gallery.
Tinambol ng matinding kaba ang puso niya. Katulad ng kabang naramdaman niya kaninang kausap niya si Enric sa phone. Pero hindi naman si Enric ang lalaking ito. Hindi nga lang niya lubos na makita ang buong mukha nito dahil naka suot ito ng bull cap at naka-shades pa. “Huh?” And his voice.
Narinig niya ang pagak nitong tawa. Napaka-swabe ng tawa nito at parang nakaka-engganyo. “Eric.” Bulong pa ng puso niya. “I love your works. I always come to your exhibits. I hope your next exhibit will be soon.” Sambit pa nito. Para tuloy siyang inihehele ng boses nito. It’s you, right? Pipi pa ring sambit ng isip niya. Teka! Parang may alaalang biglang lumitaw sa kaniyang isipan, ganitong-ganito din ang setting. Nasa isang exhibit sila.
“May I kno…” hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang tinawag ng kaniyang assistant na si Kate.
“Miss Joy, si Miss Ilaya po nasa line. May importante daw po siyang sasabihin.” Anito nang mapabaling siya.
Ngumuso siya pero ngumiti pa rin dito. “Okay, just a minute.” Aniya. Binalingan niyang muli ang lalaking kausap ngunit wala na ito doon. Nagpalingon-lingon pa siya ngunit hindi na niya nahagilap pa ang bulto nito. Weird. Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo bago tinungo ang kaniyang opisina.
“You are not online.” Bungad ni Ilaya nang i-transfer sa kaniya ni Kate ang tawag. Natawa naman siya sa sinabi nito. Akala pa naman niya ay napaka-importante na.
“So you called just to tell me that?”
“No. I sent you a message on your messenger. Come on, buksan mo.” Atat na sambit nito. Ano ba’ng importanteng bagay ang naroon at ayaw pa nitong sabihin? Napapailing na lamang siya sa trip ng kaibigan.
“Fine, wait lang.” aniya dito at kinuha sa kaniyang bulsa ang cellphone at in-open ang wifi saka niya in-open ang messenger. Nang pumasok ang message ng kaibigan ay agad niya itong binuksan. “And then?” aniya.
“Look who’s in that picture and where it was taken.” Anito. Tiningnan niyang mabuti ang larawan. It was a picture of a guy who wears fitted shirt and jeans. Naka bull cap ito at naka-shades. Bigla siyang kinabahan. Sa likod ng lalaki ay ang Ilaya Arts.
“Para saan ito?” pagmamaang-maangan niya.
“Ligaya, that guy was a DJ. Isa siyang sikat na DJ. Hindi lang iyon. Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko.” Dumoble pa ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Hindi! Tama nga ang hinala niya. “That’s Eric. Your fiancé’s twin brother.”
Kunwari ay napasinghap pa rin siya. Bakit ganoon ang pakiramdam niya sa lalaking iyon? Katulad nang kay Enric. No way! This is the first time she encountered him nang malapitan. Pero ang damdaming naramdaman niya dito ay hindi pangkaraniwan. For Pete’s sake crush niya kaya si Eric! “Really? I didn’t notice.” Pagkakaila niya. Sobrang lapit na nga nito sa kaniya kanina. Nag-init ang kaniyang mukha nang ma-realize na na-meet na niya in person ang ultimate crush niyang DJ s***h model.
“He just posted that picture a while ago. Nandiyan din sina Enric right? Kasama niya ba?” excited pa rin ang boses ng kaibigan. Tumango na lamang siya na akala mo ay nakikita ng kaibigan ang pagtango niya.
“Actually, hindi kasama nila Enric si Eric. Mukhang napadaan lang siya dito. Maybe niyaya din nila Enric pero dahil busy siyang tao, umalis din agad. Hindi ko na nga nakita, eh.” Pagsisinungaling niya. Pero totoo namang hindi niya nakitang kasama ito nina Enric.
“Oh, well. Magandang ad ‘yan sa gallery. Basta, ‘pag may na-spottan kang mga celebrity diyan, i-grab mo na agad ang opportunity. Or, pwede mo na ring sabihan si Enric na yayain madalas si DJ Eric diyan.” Parang kinikilig pang huling turan ng kaibigan. Mukhang trip nito ang kambal ng kaniyang fiancé.
“Yes, Ma’am.” Analang niya para matapos na ang usapan nila. Nagpaalam na din naman ito kalaunan at hindi na dumaldal pa. Napagod din siguro.
Nang mapag-isa ay muling sumagi sa isip ang engkwentro nila ni Eric kanina. Bakit parang hindi iyon ang unang nagkausap sila? Napalunok siya ng kaniyang sariling laway. Weird! That’s what she call her feeling towards Enric’s twin.
:Enric: I saw your post. I thought pupunta ka kina Lolo?
Nailing si Eric sa text ng kakambal. Kung bakit kasi nag-post pa siya sa social media. Nakita tuloy ni Enric na naroon din siya sa Gallery.
:Eric: tiningnan ko lang ang sinasabi mo sa akin. Well, it’s fine. I’m on my way to Lolo’s.
Agad na nagreply si Enric.
:Enric: Type mo?
Muli siyang napailing. Hindi na lang siya nag-reply dito at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Alam niya ang ginagawa ng kakambal. Tinitingnan nito kung babawiin ba niyang muli ang desisyon niya. May magagawa pa ba siya?
Nang makauwi ng bahay si Joy ay dumiretso siya sa kaniyang silid. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang sling bag at nakinig ng FM radio. Yes, nababaliw na yata siya pero dahil naiinis siya sa sarili ay sa istasyon kung saan DJ si Eric niya inilagay ang FM number ng kaniyang cellphone. Alam niya na iyon na ang time slot ng programa nito.
Kinabahan na naman siya nang marinig ang commercial ng istasyon. Ngunit nang magsalita na ang DJ ay tila nalungkot siya nang hindi marinig ang magandang boses ni Eric. Iba ang DJ. Mukhang naka-leave ito. Nahiga na lamang siya sa kaniyang kama.
“Ah, naloloka na yata ako.” Aniya sa sarili at ini-off na agad ang cellphone niya. Somehow, medyo nakahinga siya ng maluwag. Marahil ay kinabahan siya kanina dahil pamilyar ang boses nito at crush niya talaga ang malamig at malambing nitong boses sa radyo.
Napapitlag siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kung ano ano kasi ang iniisip niya at ‘yan ang kaniyang napapala. Bumuntong-hininga siya bago niya dinampot ang cellphone. She never bothered to look whose calling. She just answered the call.
“Hello…”
“Hi…” a man’s bedroom voice. Kinilabutan siya pagkarinig dito.
“A-ah,…” tiningnan niya ang kaniyang cellphone kung sino ang kausap niya pero unregistered ang numero. “Si-sino ‘to?”
She heard a soft chuckle. May narinig din siyang kaluskos. Marahil ay nakahiga nga ito sa kama. “We’ve met awhile ago. Remember?”
Napatitig siya sa kisame ng kaniyang kuwarto. Really? Is this really happening? Crush niya lang ang boses nito, pero ibang epekto ang hatid nito ngayon sa kaniya. At isa pa, si Enric, ang fiancé niya, ay ganoon din ang epekto sa kaniya kapag kausap niya ito sa cellphone. Pareho talaga sila ng boses. Pero nag-iiba ang tono ng boses ni Enric sa personal.
“I am your future brother-in-law.” Patuloy nito nang hindi siya makasagot sa tanong nito may diin ang pagkakabigkas nito sa huling salita.
Lumunok pa siya ng kaniyang laway bago nagsalita. Para kasing dry na dry ang kaniyang lalamunan. “Oh, sorry. E-Eric. Sorry. Hindi kita nakilala kanina. Maybe, we’ll schedule the next meeting.” Huli na para mabawi niya ang huling tinuran. Ano ba namang bibig ang mayroon siya?
“Next time, huh? I’ll take note of that.” Nahihinuha niyang pilyo itong nakangiti base na rin sa tono ng boses nito.
‘Hoy, Ligaya. ‘wag kang assuming.’ Singhal ng sariling isip. “Ah, bakit ka nga pala napatawag?” pag-iiba na lamang niya ng usapan. Baka kung ano na naman ang masabi niya.
“I don’t know. Gusto ko lang na tawagan ka. Nakakaistorbo ba ako? Magagalit ba si Enric?”
“Huh? H-hindi naman. Paano mo pala nalaman ang number ko?” bakit ba hindi niya mapakalma ang kaniyang sarili at nauutal siya?
“I have my ways. By the way. Kung hindi ka pinagbabawalan ng kapatid ko, it means he’s just doing this for the elders.”
Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. “Anong pagbabawalan?” takang tanong niya.
“Na makipag-usap sa ibang lalaki katulad ko.” Mabilis na sagot naman nito.
Then her heart skip a beat. Why? What is happening to her heart? “Hindi ka naman iba. You’re his brother. Magiging kapatid na din naman kita kapag kasal na kami.” She bite her lips. Bakit parang labag sa loob niya ang kaniyang sinabi? Ganito ba talaga kapag crush moa ng isang tao?
“Oh, I almost forgot. Right, you will be my sister once you get married to Enric!” may narinig siyang sarkasmo sa tinig nito pagkasabi niyon. Hindi niya tuloy maintindihan ang tinatakbo ng usapan nila pati na ang nararamdaman niya.
“Ahmm, bakit ka pala nasa gallery kanina?” pag-iiba niya muli sa usapan. Baka kung saan pa sila mapunta kapag nagpatuloy sila sa ganoong topic.
“Enric invited me. He wants me to meet you, actually.” Medyo relax na ang tono ng boses nito. Huminga naman siya ng maluwag.
“Why is that?” may hindi siya gusto sa tinutumbok ng usapan nila pero baka naman mali lang siya ng interpretasyon.
“I don’t know? Maybe because he wants me to realize something?” ngayon, mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Realize?
“And what is that?” nainis siya nang tumawa lamang ito ngunit ramdam niya na hindi para sa kaniya ang tawang iyon kundi para sa sarili nito. “Hey! What’s funny? I was just asking!” tumaas ang boses niya. Napabangon na rin siya sa kaniyang kama. Naiinis siya hindi dito kundi sa sarili niya at hindi niya maintindihan ang pakiramdam niya ngayon.
“Easy. Huwag kang magalit.” Anito. Pero nai-imagine pa rin niya ang multong ngiti nito sa mukha. Pakiramdam tuloy niya ay kilalang-kilala na niya ito kahit na hindi pa naman talaga sila pormal na nagkakakilala.
“Hindi naman ako galit. I was just pissed because you’re laughing at me.” Parang batang sambit niya. Ngali-ngali lang niyang sabunutan ang sarili sa tinuran.
“You’re cute.”
Uminit ang pisngi niya sa komento nito. Kahit na hindi siya nito nakikita pakiramdam niya ay nasa harap lamang niya ito. Hindi tuloy niya alam ang sasabihin dahil doon kaya tanging ang mahinang pagtawa lang ng nasa kabilang linya ang naririnig. Tumigil lamang ito nang mapansing hindi na siya umimik.
“Hey. Did I say something wrong? I’m not laughing at you, actually I’m laughing at myself. Yeah I know it’s crazy but…” nahimigan niya ang pagiging sinsero ng tanong nito pero bigla itong tumigil. Nagtaka man siya pero mabuti na rin siguro iyon. Medyo naiilang na siya sa usapan nila.
“Ah… I need to hang up.” Hindi na niya kasi alam kung ano pa ang maaari nilang pag-usapan. Hindi na din niya hinintay na magsalita ito at tinapos na niya agad ang tawag.
Para siyang pagod na pagod sa nangyari. Hinihingal siya na ewan. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang mainit na likidong naglandas sa kaniyang pisngi. Napahawak siya doon. Ang unang inakala pa niya ay pawis iyon, ngunit nang makaramdam siya ng hapdi sa kaniyang mata ay napagtanto niyang doon iyon galing. “What is happening to me?” gulong-gulong tanong niya sa sarili. Hindi niya maintindihan. Bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng damdamin niya para kay Eric? Nababaliw na nga yata siya. Hindi niya maipaliwanag ang weird na damdaming nabuhay sa pagkatao niya para sa isang lalaking hindi pa naman niya lubusang kilala. Oo at crush niya ito dahil sa nakakahalinang boses nito sa radyo at talaga namang magaling itong magpayo sa mga listeners nitong tumatawag kapag may mga problema ito sa puso. Pero, rason ba iyon ng pagiging eratiko ng t***k ng puso niya?
Wala siyang matinong maisip na dahilan sa naging reaksyon niya kay Eric kaya naman tinungo niya ang kaniyang sariling gallery at doon muling hinarap ang ipinipinta niyang hindi niya matapos-tapos.
It was a man, without a face. Ilang buwan na niyang ginagawa iyon at unang beses na ang ginawa niyang subject ay lalaki. Puro lugar, bagay, at kung ano ano pang scene ang mga ipinipinta niya na pulos sumasalamin sa bawat buhay ng tao. Ngayon ang unang pagkakataon na mismong pigura na ng tao ang kaniyang ipinipinta at hirap na hirap siyang bigyan ito ng emosyon.
Ilang minuto pa siyang nanatili doon at tinititigan lang ang kaniyang obra. Hindi niya talaga ito mabigyan ng mukha. Lalo tuloy siyang na-stress dahil sa kawalan niya ng ideya kaya naman ay tinakpan na lamang niyang muli ito at lumabas na. Walang mangyayari kung palagi siyang ganito. Hindi niya mabibigyan ng magandang exhibit si Ilaya kung wala sa kondisyon ang kaniyang utak.
Kinabukasan hindi pa rin maalis sa isip ni Ligaya ang naging pag-uusap nila ni Eric nang nagdaang gabi. Naiinis na siya sa sarili dahil nakakaapekto sa daily routine niya ang hatid ni Eric sa kaniya. Mabilis siyang nakapag-almusal at nakaligo. Takang-taka nga ang kaniyang mga kapatid maging ang yaya niya ngunit hindi niya pinansin ang mga tingin ng mga ito sa kaniya. Sa sala siya tumambay at nais sana niyang makipag-kwentuhan na lamang sa kapatid na abala na naman sa laptop nito ngunit minabuti niyang maglaro nalang sa kaniyang cellphone.
Nang mabagot siya ay naisip niyang tawagan si Enric. Mas magandang kilalanin niyang mabuti ang kaniyang mapapangasawa baka sakaling iyon ang maging daan upang maibalik niya ang nilulumot nang art sa katawan. At para na rin mawala sa isip niya ang hot na si Eric. What? Hot? Where did it came from? Napailing siya sa naisip.
“I had a feeling you have a problem.” bungad agad ni Enric sa kaniya. Nakipagkita siya sa malapit lang na mall.
Nginitian niya ito. “Salamat at pinaunlakan mo ang aking paanyaya. Nakakahiya man pero wala kasi si Ilaya para makausap ko, eh.” lakas-loob niyang sinabi. Sa totoo lang, ang tunay na dahilan kaya ito ang niyaya niya ay para malaman niya ang pagkakaiba ng damdamin niya para dito at para sa kakambal nitong si Eric.
“No problem. Ito na rin siguro ang chance natin para makilala ang isa’t-isa. So, what’s up? Anything I can help?” anaman nito. Kumapara kapag kausap niya si Eric, mas magaan ang loob niyang kasama si Enric.
“Wala lang kasi akong maisip para sa susunod namin na exhibit. Hindi ako makapagpinta ng maayos.”
“Oh, mahirap nga iyan. How can I help?” mataman siya nitong tinitigan. Now she realize, malaki ang pagkakaiba ng kambal. The way Enric stares, hindi siya naiilang. But Eric, kahit sa picture niya lang nakita ang mukha nito ---na kagabi lang niya ginawang mag-search na dapat ay matagal na niyang ginawa--- at kung paano ito tumitig ay intense na ang pakiramdam niya. Seryoso kasi ito at puno ng emosyon ang mata. Hindi mo agad malalaman ang nasa isip nito unless you ask him.
‘Oh, shoot. Why did my mind thinks of that man again?’ naguluhan na naman siya. “Can you suggest me a place where I can refresh my mind? Baka kasi kailangan ko lang ng bagong inspirasyon.”
“Ano ang madalas nakakapagbigay sayo ng inspirasyon kapag nagpipinta ka?” balik tanong naman nito.
“A good scenery. Minsan kapag masaya ako, kusang lumalabas ang pagiging artist ko.” pag-amin niya. Totoo naman iyon kaya nga nagtataka siya dahil hindi siya makapag concentrate ngayon. Simula kasi nang malaman niyang ikakasal na siya ay nawalan na siya ng ganang magpinta.
“Mahirap kapag pilit ang mga gawa mo. Hindi mo maipaparamdam sa mga tao ang totoong kahulugan ng painting na ginawa kung pati ang nagpinta ay hindi alam kung ano nga ba ang ipinipinta niya. I love your works, really. Hindi nga lang tayo maayos na nakapag-usap kahapon at nagpaalam ako agad dahil may pinuntahan pa kaming charity works. I’m sorry. But Eric never skipped your exhibits and he told me that you’re a good artist.” Wait! Eric? Napaisip siya. Tama, sinabi nga pala nito kahapon na lagi itong naroon kapag may exhibit siya. Bakit hindi niya alam iyon? May sakit ba siya sa mata at hindi niya matandaan ang mukha ng mga nakakasalamuha niya?
“Well you are right. I guess I need some good inspiration, huh? A good rest rather. So, where is this charity work?” nasabi na lamang niya kahit na medyo nagulo na ang utak niya dahil kay Eric.
“Oh, para sa mga out of school youth. May mga tinutulungan kaming foundation ng grupo dati pa. College palang. You should hang out with the group more. Baka sakaling kami lang pala ang kulang sa buhay mo.” pabiro pero bukal naman sa loob na sabi ni Enric. Why not? Hindi naman kailangan na si Enric lang ang kilalanin niya. Maging ang mga kaibigan nitong mas matagal na nitong kilala at parte na ng buhay nito.
“You think they would like me to join your group? I am an outsider.”
“You are my fiancée. You are not an outsider.” anaman nito. Magaan ang loob na tumango siya. Start something new.