LIGHT SILVER
Pagkadating ko sa kuwarto ni Heaven ay naabutan ko sa loob ang anim kong kasama puwera lang kay Mist na wala sa loob. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid ng kuwarto, pero hindi ko nakita ang hinahanap ko kaya binalik ko na lang ang paningin ko sa aking mga kasama.
"Nasaan si Heaven? Alam n'yo ba kung nasaan siya?"
Walang sumagot sa tanong ko. Maging si Sky na laging nakatawa ay nakaupo lang sa higaan ni Heaven at tila may malalim na iniisip.
Iisang bagay ang nakita kong magkakapareho naming hawak. Ito ay ang papel. Papel na iba't ibang kulay. Binase ba ito ni Heaven sa code name namin?
"Wala ba kayong idea kung nasaan siya ngayon?" tanong ko ulit sa kanila.
This time, sina Cloud at Storm ang sumagot sa akin.
"Hindi ako magpupunta rito kung alam ko kung nasaan siya." Nakataas ang isang kilay ni Cloud nang magsalita siya at pagkatapos ay umupo siya sa study table ni Heaven.
"Pupunta sa akin si Heaven kung nalulungkot siya. I'm her most reliable bodyguard."
Napailing na lang ako sa sinabi ni Storm. Hindi ito ang tamang oras para pairalin niya ang kayabangan niya, pero mas mabuti sana kung kasama nga ng isa sa amin si Heaven.
"That will never happen, Storm. My butterfly was more fond to most handsome man here like me."
"Stop speaking nonsense. It will not help us to find Heaven."
Natigilan ang lahat nang magsalita si Dark. Siya ang laging tahimik kumpara sa aming lahat kaya matatahimik talaga kami kung bigla siyang magsasalita at malakas pa ang boses niya.
Tumitig ng masama si Storm at Cloud sa direksiyon ni Dark. Tila ano mang minuto ay may magaganap na gulo sa pagitan nila, pero biglang pumagitan sa tatlo si Rain. Si Sky ay tahimik pa rin at tila may malalim na iniisip. Si Sky pa naman ang may kakayahan na gawing light ang atmosphere sa pagitan namin ngayon.
"Ah, huwag na kayo mag-away. Sigurado ako na may importanteng bagay lang na ginawa si Heaven kaya wala siya sa mansion ngayon." Pagkatapos magsalita ni Rain ay bigla siyang tumakbo at pumunta sa likuran ko. Muntikan pa nga siyang matalisod sa kakamadali.
Sa sobrang takot ni Rain ay naramdaman ko ang mahigpit na kapit niya sa braso ko habang nakasilip sa direksiyon nina Storm, Cloud, at Dark.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Mukhang si Mist lang ang wala sa loob ng kuwarto. Pagkatapos ay muli kong binalik ang paningin ko sa aking mga kasama.
"Keep calm, guys. I'm sure may bago lang balak si Heaven. Baka may bago siyang nais gawin para mas mapalakas tayo."
Lumingon sa akin ang mga kasama ko at pagkatapos ay isang malalim na buntong hininga ang napakawalan nila. Isa-isa silang lumabas ng kuwarto ni Heaven. Palabas na rin sana ako, pero natigilan ako sa paglalakad nang madaanan ko si Mist.
Kanina pa kaya si Mist sa loob ng kuwarto?
Tinapik ko na lang siya sa balikat bago bumalik sa kuwarto ko. Mukhang may malaking balak na naman si Heaven para sa aming lahat.
*
Kinaumagahan ay maaga ulit akong nagising upang magtungo sa kusina para magluto ng almusal. Kaya lang ay nadatnan ko sa sala ang pitong kasama ko. Mukhang may pinag-uusapan na naman sila.
Tumingin ako sa aking paligid, pero hindi ko pa rin nakikita ang taong kahapon pa nawawala kaya nakaramdam na ko ng takot at kaba.
"She's still not here."
Pagkatayo ko sa sofa ay boses agad ni Dark ang narinig ko.
"Siguro ay may dahilan kung bakit iniwan niya sa atin ang mga papel kahapon."
Tumingin kaming lahat kay Cloud na may hawak pang ballpen habang suot ang kaniyang salamin.
Hindi ako agad sumagot sa sinabi ni Cloud dahil pinag-iisipan ko pa ng malalim kung ano ang totoong pakay ni Heaven.
"Paano kung tingnan na 'tin ang message na nakalagay sa bawat papel ng isa't isa?"
Tumingin ako kay Sky. Nakikisali na siya sa usapan namin, pero hindi pa rin bumabalik ang dating sigla niya. Parang may mali nga rin sa kinikilos niya ngayon, pero hindi ko alam kung ano. Ang tamlay kasi ni Sky at parang may bagay siyang hindi sinasabi sa amin.
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Sky at pinakita ang papel na iniwan sa amin ni Heaven puwera lang kay Mist na hindi pinakita ang hawak niya.
Bukod sa pagkawala ni Heaven, tila nagbago rin ang Mist Dandelion na kasama namin.
He looks more mysterious and darker than Dark.
Ang paningin ng lahat ay natuon sa direksiyon ni Mist pagkatapos naming mabasa ang papel ng lahat.
"Hindi ka ba iniwanan ng papel ni Heaven?" tanong pa ni Cloud kay Mist.
"Pitong bodyguards lang daw kasi ang mayroon. Bakit siya iiwanan ng papel ni Heaven?"
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Gusto ko sanang pigilan si Storm sa pananalita niya, pero hindi ko na nagawa.
Bakit parang nag-iba ang ugali ng lahat?
Tumingin ako sa direksiyon ni Mist at hindi siya kumibo o nag-react man lang sa sinabi ni Storm.
"Well, as a police instinct. . . Hindi ba mas kahina-hinala na kasama pa na 'tin hanggang ngayon ang traitor na 'yan sa bahay? Hindi na 'tin alam, tinago na niya si Heaven at siya lang din ang nagbigay ng papel sa atin."
Natigilan ako sa narinig at muling napatingin sa direksiyon ni Mist. Nakalimutan ko na ang tungkol doon, pero may point si Thunder sa sinabi niya.
Nag-iba rin ng konti ang expression ng mata ni Mist nang marinig niya ang sinabi ni Thunder. Pagkatapos ay yumuko siya sa harapan naming lahat. Muling pumagitan sa gitna ng nag-iinit naming usapan si Rain kahit na nanginginig ang kaniyang tuhod dahil sa takot.
"Stop it, guys. Hindi makakatulong sa atin ang mag-away. Mist, nakita namin na ang kakayahan mo ay malapit sa lakas ni Heaven. P'wede mo ba kaming tulungan?"
Hindi nag-alinlangan sa pagtango si Mist bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Rain kahit na ang iba sa aming kasamahan ay iba ang pagtrato sa kaniya.
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Maigi siguro kung magtiwala muna ako sa ngayon kay Mist.
Lumingon ako sa iba kong kasama at tinitigan sila ng seryoso.
"Let's see what Mist can do first before we judge him, okay?"