Habang nasa receiving area ako nakita ko yung lalaki naka banggaan ko at napansin ko kasama nya yung boss namin na si sir art..
At si di inaasahang pangyayari nakita nya ako at kumaway sya sa akin at nagulat naman ako dun sa ginagawa niya kaya kumaway nalang din ako..
At sabi pa ni ash habang hinahatid niya yung order sa akin eh sya daw magiging bagong boss namin dahil lilipat na daw si art sa isang branch namin sa pasig baka mamaya daw bago mag close pakilala daw sa amin ang bago naming boss...
At ito na nga habang katabi ko si ash sinabi ko sa kanya na sya yung naka banggaan ko kaninang umaga at nagulat sya sa akin at napangiti nalang ako dun
Gwapo si sir patz at mukhang mabait kaibgan pala ni sir art si sir patz at may ari ng resto na pinagtatrabahuhan namin ni ash at para sa formality nalang daw ung interview kanina...
Habang pinakilala ni art si sir patz sa amin at sabi nya pa sa pabirong paraan mukhang maging masaya daw sir patz dito sa resto.
At sabay sulyap sa akin, at napatulala naman ako dun sa ginawa ni sir patz kz baga naman nakatitig pala sa akin ang bago naming boss..