Papasok na naman ako paaralan pero it's okay because it's a piece of cake for me dahil mga 20 na taon ako nagaral. Hindi ko sinasabi na matalino ako at mas lalong di ko sinasabi na bobo ako, half half lang.
Pareho parin ang routine ko gumising, maligo, magdamit ng maayos, tapos pumunta agad sa baba para di magalit si Papa (ni Tallie) kasi ayaw niya pinaghihintay. Tuwing kumakain sila kasi dapat sabay sabay yun ang trip nila.
"Goodmorning po, mama at papa." Masayang bati ko sa kanila dahilan ng pagkagulat nila.
"Ikaw pa ba yan anak? Simula kahapon nagbago ang kilos mo at pananalita." Sabi ni Mama (ni Tallie)
"Ah talaga po?" Pagmamangan ko. "Naisip ko lang kasi na baka... bastos yung pakikitungo ko sa inyo kasi di po ako bumabati sa inyo." Ani ko.
Si Tallie kasi mahiyain siya at di niya kayang bumati dahil ang unang araw na sinubukan niya bumati sa isang tao ay pinahiya siya kaya feeling niya kung susubukan siya ulit ay mapapahiya siya. Feeling niya lahat ng galaw niya ay mapapahiya siya kaya lagi siyang tahimik at nakaupo lang.
"I didn't know that you know how to think. I hope your grades will be better also." May pagka mapanuya niyang sambit. "Nakakahiya sa pamilya natin. Gumaya ka kay Eros at sa mga kaibigan niya ang tatalino nila."
Siya rin ang isa sa rason kung bakit nawala sa kumpiyansa si Tallie.
"Don't worry, papa. It's a piece of cake." Pagmamayabang ko.
"Just make sure otherwise... you already know what will happen." Pagbabanta niya.
Tuwing nababagsak si Tallie ay ikukulong siya sa basement ng isang araw.
"Honey, don't..." Pamamakawa ni Mama (ni Tallie)
"If I perfect all test, cancel our wedding engagement, papa." I confidently said.
"Deal." Nakangisi niyang aniya.
Tulad ng sinabi ko, pareho pa rin ang routine ko gumising, maligo, magdamit ng maayos, pumunta agad sa baba upang kumain, tapos pumasok na kasabay si Eros.
"Good morning po, kuya driver." Bati ko sa driver at tinignan ko lang si Eros.
Umupo na ako at nagseat belt baka biglang may seat belt moment ulit kami.
Gusto ko matry ulit, char.
Naisip ko ulit ang pinagsasabi ko kay papa (ni Tallie).
Malapit na rin pala ang exam edi ibig sabihin ay malapit na ang araw na i-ka-cancel yung engagement.
Waw excited na ako.
"What are you smiling at?" Eros asked. "It creeps me." He added.
"I'm offended." Walang emosyon kong sabi. "You want to know?" Sabi ko at ginalaw ang kamay ko para bigyan siya ng sign na lumapit sa akin. Lumapit naman ito sa akin, "After the exam, di tayo sasabay pumunta sa school and di rin tayo sasabay uuwi." Bulong ko sa kanya.
"How can you be so sure?" He asked.
"Because I promised to papa that I will perfect my score, and he will call off the engagement." I said.
"You promised that? Do you want me to laugh? Ikaw naman ang may gusto dito diba?" May pagka mapanuya niyang sabi.
"Huh? When ko gusto magpakasal sayo? When?" Tanong ko.
Edi noong unang araw na makilala kita ehem ehem.
"Your parents proposed this engagement because you like me." Aniya.
"Oh, wala akong naalala na gusto kita. Yung magulang mo pa kaya nagsabi na ipapakasal tayo dahil crush mo ako eh." Biro ko sa kanya at namula naman siya. "Joke lang. Ipapakasal tayo dahil para sa kompanya noh, wag kang assuming." Sabi ko. "Di mo pala alam?" Tanong ko sa kanya at nagiba ang kanyang mukha, mas naging seryoso.
Yung nasa kwento kasi alam niya ang dahilan kung bakit sila ipapakasal nasa chapter 27 yata yun? Yung araw na namatay si... Tallie.
Wait? Wataf0ckingmoshi did I just said?
I'm going to die? At malapit ko na masabi kay Eros ang dahilan kung why sila/kami magfiance.
"Ahhhh... joke ulit. Ang totoo talaga kung bakit tayo ikakasal kasi... kasi... g-gu-gusto k-kiii-t-ta." Pagbawi ko sa sinabi ko at tinignan lang niya ako kaya ngumiti ako ng pilit.
Di ko alam kung naniwala ba siya sa sinabi ko o hindi, pero sana oo kasi di ako binuway dito para maging spoiler.
"You like me, right? Then, kiss me." Seryoso niyang ani.
K-kiss him? Hahalikan ko siya?
"A-ah masyado ka pang ba--." Di ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya hinila ang ulo ko para halikan.
Masyado ka pang bata, Eros. 26 years old ako tapos ikaw 13 pa pero okay lang sabi nga nila age doesn't ma--.
Tinulak ko siya, "Mali toh." Aniko.
"Looks like you become more a liar. You don't like me. You lied again." Sabi niya na parang maiiyak at bumaba na sa kotse.
Lied again?
Wala akong natatandahan nasa kwento na nagsinungaling si Tallie kay Eros.
Bago ako bumaba ay tinignan ko si Manong driver na kanina pa nanood ng libre sa drama namin kanina ni Eros. "Looks like you always lied, Tallie. You don't like me. You lied again." Tanong ko sa kanya.
"Ahhh... marami po." Sagot niya. "Una ay yung bibistahan mo siya sa ospital pero di ka dumating. Pangalawa, yung sabi mo na magkikita kayo sa harden dumating ka nga pero sobrang gabi na. Katatlo ay yung sabi mo na dadating ka sa ika-10 araw ng kaarawan niya pero di ka dumating kahit regalo ay walang dumating." Mahaba niyang ani. "Pang-apat, sabi niyo sa kanya okay lang kayo pero pagkabalik niya ay nahimatay ka sobrang alala niya sayo non, miss." Dagdag niya.
Lahat na sinabi niya ay hindi nakasulat sa libro.
"Mayron pa ba? Parang mayron pa eh." Aniko.
"Ahh... i-te-text ko nalang po sa inyo kasi malapit na magbell eh at saka marami pang paparada na sasakyanan." Sagot niya.
"Ahh sige po. Maraming pong salamat." Sabi ko bago bumaba.
Marami ka palang kasalanan sa kanya Tallie pero bakit parang ako ang aayos? Bakit feeling ko may rason ka kung bakit di ka dumating.
Ano kaya ang nangyari sa kanila dati? Sana naman pumasok sa utak ko ang memories ni Tallie kasi marami pang di ko alam sa kanya.
Kung bakit sila di nagpapansinan kay Eros? Kung bakit sobrang patay na patay siya kay Eros sa kwento pero ngayon ay nalaman ko na lagi siya nagsisinungaling kay Eros. Why naman ganito ang life?
Sino ka nga ba, Tallie?
"Reading Your Meraki Life"
BY: YOUR_SECRET_LADY