Khloie's P.O.V. "Bati na tayo ah," parang batang sabi ko kay Sceven at saka umupo sa upuan ko na katabi lang ng sa kaniya. "Hindi naman tayo nag-away," utas niya at ipinatong ang paa niya sa harapang upuan. "Ewan ko sa'yo," tanging sambit ko nalang. Ang sungit talaga ng lalaking 'to. Minsan ay nakakairita rin ang kanyang pagiging masungit at suplado. Umakbay siya sa akin at lumapit ng kaunti. "Huwag ka ng magtampo," masuyong saad niya at hinalikan ako sa pisngi. Napaka bipolar talaga. Pero keri lang dahil super kilig naman kung makabanat. Tinapik ko siya. "Baka may makakita sa atin," sabi ko sa kaniya. Sumama tuloy bigla ang kaniyang tingin sa akin. Tinaas niya ang isa niyang kilay. "So what? As if I care," saad niya at hinila na ako patayo roon. Ang hilig niya ring manghila 'diba.

