Chapter 23: Be ready

1061 Words

Khloie's P.O.V. "I want ice cream," saad ko kay Sceven at nginuso iyong vendor ng ice cream. Nandito kami ngayon sa park. Wala namang pasok kay libre kaming lumabas. Tumango naman siya sa akin at tumayo. "Hintayin mo ako rito," saad niya at umalis na papunta roon sa nagtitinda. Saglit lang siya roon at agad na nakabalik. May dala na siyang dalawang naka cone na ice cram. Chocolate flavor iyon. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Inabot na niya ang isang ice cream at kinuha ko na iyon. Umupo na ulit siya sa tabi ko. "Sh*t," mahinang mura niya. Paano ba naman kasi isusubo niya na lang ang ice cream ay bigla pa itong nahulog sa damit niya.  May bata kasing tumakbo at medyo natamaan siya.  "Sorry po," paumanhin ng bata. Napatango nalang siya at wala ng nagawa pa. Kinuha ko ang panyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD