Khloie's P.O.V. Kinabukasan pagkapasok ko sa loob ng silid ay kaunti pa lamang ang mga tao. Buti nalang at wala pa siya. Wala pa si Sceven. Uupo na sana ako ng bigla ko siyang maalala. Katabi ko nga pala siya kaya naman naka isip ako ng pwedeng gawin. Ayoko muna siya kausapin. Natatakot ako na baka sa susunod naming pag-uusap ay makikipag hiwalay na siya. Na sasabihin noya sa akin na mahal niya pa rin ang pinsan ko. Na narealize niya iyon na ngayong nakabalik na ito. At takot ako na malaman na talaga ngang naging panakip butas lamang ako. Tumingin ako sa buong classroom. Nakita ko si Anya— isa sa mga classmates ko. Iyong sinasabi kong kamukha ni Jace. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. "Anya," pagtawag ko sa kaniya. "Oh, Khloie ano 'yon?" nakangiti niyang baling sa akin. Nakikita ko t

