Khloie's P.O.V. Nandito kami ngayon ni Joyce sa kwarto niya. Umiiyak kasi siya. Kanina pa siya tangis nang tangin ngunit hindi pa rin niya nasasabi sa akin ang dahilan. "Joyce, sabihin mo na kung anong problema mo," pakikipag usap ko sa kaniya. Pilit ko siyang pinapatahan ngunit parang mas lalo lamang iyong lumalala. Umiyak nanaman siya. "Paano kasi nakakainis siya eh," pagmamaktol niya at lalo pang tumulo ang kaniyang mga luha. "Sino ba kasi?" patuloy pa rin ako sa paghaplos sa kaniyang likuran para mas mailabas niya pa iyon. Hangga ngayon ay hindi niya pa rin kasi iyon sinasabi kahit na may hula na ako. "Hay... Okay sa tamang panahon mo pa sasabihin pag kayo na. Pero ano bang nangyari?" Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang luha niya. "Nakita ko kasi siyang may kahalikang iba eh."

