Episode 20

1950 Words

Mabilis siyang bumaba sa kabayo nang makarating sa talon. Dali-dali niyang tinali sa isang puno ang kabayo. Dating gawi, mabilis niyang hinubad ang mga damit. Tinira niya lamang ang boxer short. Lumikha ng ingay sa tubig ang pabulusok niyang pagtalon dito. Pabalik-balik siyang lumangoy sa malalim na bahagi ng talon at napakalinaw din nito dahil kita na niya ang mabatong bahagi sa kailaliman nito. Pinalutang niya ang sarili. Gumiginhawa ang pakiramdam niya kapag ginagawa itong pagpapalutang ng katawan sa tubig. Nakarinig siya ng ingay pero nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. May kaluskos siyang naririnig sa malapitan kasabay ang ingay ng tubig nang kung sino mang tumalon dito. Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso sa kanyang katawan at ang pangahas na paghalik nito sa kanyang labi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD