Masyado siyang naging bastos sa lalaki. Sa rami ng problema na pinagdaanan niya dahil sa pagkakasakit ng ina, nawalan na rin ng kulay ang buhay niya. Nawalan siya ng pag-asa. Natakot. Takot siyang mag-isa sa buhay. Hindi niya kakayanin na magising na lang isang araw na nag-iisa na lang siya. Ginagawa niya ang lahat--ang lahat-lahat para lang mabuhay ang nanay niya kaya pikit mata niyang tinanggap ang offer ng lalaking iyon. Marriage contract. Hindi niya masikmura ang pagmumukha ng lalaking iyon sa totoo lang! Napabuntong-hininga siya nang marahas sa pinasok na set-up. Mayabang! Babaero! Akala mo kung sino. Tiningnan niya ang passbook. Mapait siyang ngumiti nang makita ang laman nito. 10 million--kapalit ng pagpapanggap na asawa ng mayabang na 'yon. Buking na sila ng lolo ng matandang Romu

