Lumikha ng ingay ang pabulusok niyang pagtalon sa tubig. Pabalik-balik na naman siyang lumangoy. Muli niyang pinalutang ang sarili nang makaramdam ng pagod. Nasisinagan ng ilaw ang buong area ng talon na nagmumula sa mga poste, nakapwesto ito sa gilid ng talon. Hindi inabot ng kuryente ang lugar kaya nagpalagay siya ng mga solar panels sa area kahit pa liblib na. Nakasanayan na niyang tumambay dito kapag gusto niyang mapag-isa. Kinatok niya si Vianna para makausap ang asawa pero didedma siya ng dalawang babae. Pinili niyang lumabas ng bahay at pumunta dito sa talon kahit gabi na. Nang mapagod sa kakalangoy, dumeretso na siya sa kubo. Pasalampak siyang nahiga sa sahig na gawa sa kawayan. Gustong-gusto niya ang huni ng panggabing mga kuliglig. Tipikal na probinsya ito, nakakaramdam siya ng

