Naaamoy niya ang sangsang sa paligid...hindi niya mawari kung ano itong mabaho sa pang-amoy niya. Ang mga ingay ng tao, agad niyang minulat ang mga mata pero madilim... Nakapiring ang mata niya! Ang ingay lang ng mga ito ang naririnig niya. Nang maalala ang nangyari sa gubat na iyon, napasigaw siya sa takot. "Nasa'n ako?!" Bakit ganito? Hindi siya makagalaw... "Hindi!! Nasa'n ako, pa...p-pakawalan niyo 'ko!" Pinilit niyang gumalaw pero--hindi--kinabahan siya sobra. Nakagapos siya! Ang mga mga braso niya, nasa likod at--isang upuan, nakaupo siya sa isang upuan... Nakatali. Napaiyak siya sa sobrang takot. Si Lolo Romualdo...ang dugong tumalsik sa kanya, ano na ang nangyari sa matanda? "Tulooong..." Mga yabag ang naririnig niya hindi lang isa kundi marami pero--papalapit nang papalapit i

