Pabalik-balik siya sala at isa-isang binabalibag ang anumang mahawakan niya. Hinagis niya ito sa pader. Lumikha ito ng ingay nang magkandabasag-basag ang ilan nang ihagis niya. Nakamasid lamang ang mga tauhan niya sa kanya. Sa ilang buwang paghahanap niya sa asawa, wala man lang siyang lead kung nasaan ito. Si Cloud, matigas ang pagtanggi nito na wala itong alam. Kahit pa pinasubaybayan niya ang lalaki, wala pa rin siyang nakuhang hint na ito ang nagtago sa asawa niya. Hindi na siya maka-focus sa paghahanap kay Leonora dahil okupado na ang utak niya ng nawawalang asawa. "Y-you don't have to do that, Jesus Christ!" Agad siyang napalingon sa nagsalitang iyon, si Cloud ang nabuglawan niya. Napatuwid siya ng tayo nang magtama ang paningin nila. Halos takbuhin niya ang pagitan nila para lan

