AIREEN’S POV NAPATIGIL ako sa pag-akyat sa hagdannang marinig ang sinabi ni Mama kay Papa. Talagang nasaktan naman talaga sa ginawa ni Papa. Nagsinungaling din siya sa akin. Inilapag ko si Maria sa kama muna na pinaligiran ng unan. Tulog na tulog naman na siya. Marahil sa pagod sa matagal na biyahe namin. Inabala ko ang sarili ko na mag-ayos ng mga gamit namin. Hindi ko na iaasa sa mga kasambahay na nandito dahil kaya ko naman. Saka sanay na akong kami lang ni Maria. Hinayaan ako nila Papa nitong mga nakaraan. Hindi ko sila pinapansin. Pero hindi ko matiis si Mama. Wala siyang kasalanan sa akin. Kaya siya lang ang kinakausap ko kapag may itatanong. Ilang araw ko na ring napagdesisyunan ang bagay na ito— gusto ko nang makawala talaga kay Gavriil. Gusto kong mag-move on. “Dumating na

