CHAPTER 2

1174 Words
TWO: “Their love story.” Tuluyang naglandas ang luha ni Louisa sa sobrang kaligayahan. She’s really deeply and madly in love. Walang duda sa bagay na ‘yon. Both of them are so much in love with each other. Sunod-sunod ang naging pagtango niya. “Magpapakasal ako sa ‘yo. Magpapakasal ako sa ‘yo!” paulit-ulit na sambit niya sabay yakap sa kasintahan. Nangilid din ang mga luha nito sa kaligayahan na tinugon ang kanyang yakap at pagkalas nila’y isinuot na nito ang singsing sa kanyang daliri. Ang ganda at sobrang bagay na bagay sa kanyang daliri na para bang ginawa talaga ang ganitong singsing ng pagmamahal para lamang sa kanya. “Sa totoo lang, hindi pa sana ngayon ako magpo-propose, eh, kasi pinaghahandaan ko pa talaga, pero heto at napasubo ako nang wala sa oras,” pilyong biro nito sabay marahang humalakhak. Hinampas nga niya sa braso si Haris. “Ah, gano’n?!” “Hindi! Biro lang!” anito sabay malutong na halakhak. She pouted at him in between her tears of joy. Buong puso nitong hinawakan ang kanyang kamay at kinintalan ng halik ang singsing na sinuot nito sa kanyang daliri. “Now I truly believe that unplanned things are sometimes the best. Tulad na lang ngayon, at tingnan mo naman, engaged ka na sa akin! And sooner or later, you will finally be my Mrs. Haris Legazpi. Can’t really wait for that to finally happen!” What was even more beautiful was when his tear fell and it watered her ring. Sa muli ay napayakap na lamang sila sa isa’t-isa. Kalauna’y nakahilig na ang kanyang ulo sa balikat ng binata at kapwa silang nakatanaw sa tahimik at banayad na tubig ng ilog. “Pasensya ka na, ah? Kung naging on the spot man ang proposal ko sa ‘yo…” anito. Magiliw na umiling siya. “You know I always appreciate private spaces, and I’m not into fancy things. I must actually thank you for giving me the proposal that you know I always wanted to have. ‘Yung tayong dalawa lang muna, ‘yung tahimik at ‘yung parang atin lang ang mundo. Walang ibang tao, walang mga camera na ready to post for social media flexes…” “At matatanggihan mo ‘ko nang hindi ako napapahiya sa harap ng iba kung saka-sakaling humindi ka!” pilyo na namang biro nito habang nakangisi. Marahang napangisi din siya. How she loves this man and his simple ways of making her smile! “Tama ka.” Tumawa ito sabay nagbaba ng tingin sa kanya. “Ano? So, hihindian mo pala talaga ako kung sa ibang pagkakataon ako nag-propose?” Natawa din siya habang magiliw na nakikipagtitigan dito sabay iling. “Wala akong sinasabing gano’n. Ang ibig ko lang sabihin, I really appreciated you for knowing what I wanted.” Inakbayan siya nito saka banayad na muling pinasandal ang kanyang ulo sa balikat nito. “Naisip kong bigla… paano nga pala sina Maui at Nikki? Alam naman nating pareho na hindi sila magkasundo. Baka hindi sila pumayag…” “Pasasaan ba’t papayag din sila,” positibo namang tugon ng binata. “Pareho silang mga importanteng tao sa atin kaya kung saan tayo sasaya, alam kong magiging masaya din sila para sa atin at susuportahan nila tayo. Pasasaan ba’t magkakasundo rin ang mga ‘yon.” She sighed. “Sana nga.” Maui is Louisa’s sister while Nikki is Haris’s sister. Bago pa man silang dalawa magkakilala ay magkakilala at magkaklase na ang mga ‘yon since junior high school. Matinding magkatunggali sa honor ranks, nagpapagalingan, nagpapagandahan. Ganoon pa din ang naging siste nang mag-senior high school ang mga ito. And even on college, they took up the same course*** Business Administration. Magkaklase pa rin at magkatunggali, mahigpit na magkaaway. Pareho mang first year pa lang pero both of them are already aiming to become c*m Laude when they graduate. Ngumiti sa hangin si Haris. “Remember? Tayo din nama’y nagsimula sa hindi gusto ang isa’t-isa, but look at us now, we’re so much and deeply in love.” Louisa chuckled. “Iba naman kasi ‘yung case natin sa kanila! We both ended up falling in love with each other. Eh, sila puro babae! Pagandahan, patalbugan!” “Huwag ka nang mag-alala, I’ll be working on it. We’ll both be working for it na mapag-aayos at mapagkakasundo natin sila. After all, sinu-sino pa bang magkakasundo? ‘Yung mga tao rin siyempre na parehas na magaganda na’t matatalino pa, at mga kapatid natin ‘yon!” puno pa rin ng pag-asa at assurance na sinabi nito. She submissively nodded. Kung hindi man sa ngayon, umaasa si Louisa na mapagkakasundo nga nila ang kanilang mga kapatid. “Anyway, may isang bagay pa pala akong hindi natatanong. Which kind of wedding do you prefer? Do you want a beach wedding or a church wedding?” Matamis na ngumiti siya. “Kasasabi ko lang, ayoko sa mga enggrande at fancy events. I want to keep it as simple as possible. Besides, ang mas mahalaga lang naman sa akin ay ‘yung makasama ka talaga at mag-umpisa ng panibagong kabanata ng buhay ko na kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumingala siya rito para tingnan ito sa mga mata. “Is it possible if we can just have a civil wedding blessed by a Judge? ‘Yung simple lang sana talaga at ‘yung mga taong pinakaimportante lang sa ating pareho ‘yung mga nandoon at dadalo******** mo, pamilya ko.” Napangiti rin ito habang nakatitig sa kanya. “Is that what you really want?” She nodded surely. He nodded too, granting all that his love wishes. “Alright then. We’ll have a civil wedding.” Hindi na nagdalawang-isip si Louisa. She drew her face very close to his and then initiated the gentle kiss on his lips. He responded to that and kissed her forehead, afterwards. There’s no doubt, he made the best decision of his life today and that was asking her to marry him, and she gave the happiest acceptance towards spending a lifetime with the only man she loves forever… “HAYAAN mo na akong uminom nang uminom, Louisa! Porque ikaw itong masayang na-engaged na ngayong araw, eh! Kaasar lang dahil kasabay ng proposal sa ‘yo ng jowa mo, eh, kabi-break lang sa akin ng jowa ko! Ay, ex-jowa na pala ngayon! G*go ang loko, eh!” lasing na anang best friend ni Louisa kinagabihan at nasa bar silang dalawa. Nang balitaan kasi niya ito over the phone about the good news, eh, ibinalita din nito ang bad news nitong hiwalay na ito sa jowa nito for three months na nakilala at nakasama nito sa trabaho nila. So, to celebrate her happiness and Mindy’s heartbreak, nagyaya ang huli na mag-bar sila. Ayaw namang humindi ni Louisa kasi kahit na nasa peak siya ng pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay, hindi naman niya pupuwedeng iwanan at pabayaan ang kaibigang kasalukuyang nalulugmok at umiiyak sa lungkot at pagkabigo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD