Habang paalis ng bahay ni Seb, puno nang ngitngit ang dibdib ni Camila. Kahit kailan, hindi niya nakitaan na gano'n ka-sweet si Sebastian sa kanya. Nararamdaman lang niya na kailangan siya nito kapag nasa ibabaw sila ng kama but seeing the Seb earlier, how he treats that woman make her heart boil with anger. Hindi siya makakapayad na basta na lang siyang iwan ni Sebastian dahil sa babaeng 'yon. No way! Kaya dapat ngayon pa lang, pinaghahandaan na niya ang gagawing paninilo sa biyudong abogado. Tiyak pang matutuwa ang kanyang papa sa oras na maukha niya ang binata. Hitting two birds with one stone! Mapapasakanya na si Seb, matutuwa pa ang kanyang ama dahil malaki ang maitutulong nito sa planong pagtakbo nito sa darating na halalan. Makahulugan siyang ngumiti, ini-imagine ang sarili bila

