Nabitiwan ni Seb ang hawak na bag nang marinig ang malakas na sigaw ng asawa mula sa kwarto nila. Dumiretso siya ng banyo nang maalalang naroon ito, naliligo. Sa dami ng pinagdaanan nila, sinalakay na agas siya ng kaba pagkarinig pa lang sa sigaw nito kahit hindi pa naman niya alam kung ano ang dahilan ng pagsigaw nito. "What happened?" sigaw niyang pagkapasok sa banyo. Agad naman niya iyong isinarado nang maalalang baka bigla na lang pumasok ang iba nitong bodyguards dahil sa naging pagsigaw nito. "May matang nakasilip sa bintana," bulong nito. Ramdam din niya ang takot nito dahil sa panginginig ng buong katawan nito. "Where?" Agad niyang sinipat ang bintanang itnuro nito saka napangiting naiiling. Sinipat pa niya iyon ng malapitan upang masigurad

