Tila naging tuod si Sebastian habang nakatingin sa mag-amang Galindo na parehong tulalang nakatingin sa kanya ngayon. Pati siya hindi makahuma sa nangyari, hindi makapagsalita at hindi alam ang gagawin. "What are you doing in my daughter's room, Atty. Almodovar? Huwag mong sabihin na naligaw ka?" Malumanay ngunit may diin na sambit ng senador. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang nangyayari sa dalawa pero hindi niya ini-expect na aabot sa ganito na makikitang nasa loob ng kwarto ang biyudong abogado. Mas minabuti na lang ni Seb na huwag na lang magsalita pa. "Dad, I ask him to come over," kinakabahang sagot ng dalaga. Hoping that her father would believe in her lies kahit alam niyang napakalabo. Ano ang dahilan kung bakit pupunta ang isa

