Alas sais pa lang ng gabi ngunit nagsimula nang mamili si Keith ng damit na susuutin papunta sa party ng Camilang iyon. Napili niya ang isang off shoulder floral maxi dress na lampas tuhod ang haba. Ipinares niya rito ang kanyang wedge sandals in nude color. Ipinusod niya ang mahabang buhok dahilan upang ma-expose ang maputi at makinis niyang leeg at batok. Mabuti na lang at hindi iyon nilagyan ni seb ng mga marka dahil kung nagkataon, nakakahiya. Naglagay lang siya ng kaunting powder saka liptint and she's ready to go. Katatapos lang niyang magbihis nang pumasok si Seb. He looks so handsome in his black jeans and white long sleeve. Simple pero malakas ng dating. "So, you have the hots for white tops?" Napansin kasi niyang madalas ay mga puti ang suot nitong pang-itaas. Kung

