Chapter Four

2252 Words
Matiyagang naghihintay sa labas ng mansyon ng mga Galindo si Sebastian habang hinihintay ang pagbaba ni Keith. Kung sa ibang pagkakataon lang, kanina pa siya nagalit dahil sa tagal ng paghihintay niya. Supposedly ay alas otso ng umaga ang alis nila pero mag-iisang oras na siyang naghihintay sa labas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumababa ang dalaga. Kanina pa siya paulit-ulit na tumitingin sa kanyang relong pambisig upang i-check kung anong oras na. Naiinip na talaga siya. Tatangkain na sana niyang pumasok sa mansyon at ipatawag ito sa kwarto nito nang makita niyang palabas na ito. He tsked when he saw her. Hindi maitatangging maganda at nakabibighani ang dalagang anak ni Senator Galindo. She has that angelic face that suits her fair complexion. Para itong anghel na bumaba sa lupa lalo na inililipad-lipad pa ng hangin ang mahaba nitong buhok. Maski nga yata ang paglalakad nito, mukhang hindi sumasayad ang mga paa sa lupa. Mabini at mahinhin kung kumilos.             "I'm sorry for keeping you waiting." Hinging paumanhin nito ng makalapit sa kanya. "Tumawag kasi si Dad. May ipinaayos lang na mga documents sa akin." Bahagya lang niya itong tinanguan. Ipinagbukas niya ito ng pintuan ng sasakyan. Nang mapadaan ito sa tabi niya, naamoy na naman niya ang pabango nito. Subtle yet sweet and captivating. Habang nasa biyahe sila, palihim niya itong ino-obserbahan. Just like any other girls, mukhang mahilig ito sa mga bag at damit. But what capture him is the way she treats people. Hindi mo kakikitaan ng pagmamataas na kung tutuusin ay pwede nitong gawin dahil sa katayuan at antas nito sa buhay.             "Seatbelt, please," sambit niya rito nang mapansin na hindi pala nito isinuot ang seatbelt. "It's a must, Miss Galindo. As your private security, one of my rules is to listen to everything I say. Kung gusto mong ma-protektahan kita nang maayos, kinakailangan mong sumunod." Nang sulyapan niya ang dalaga sa rearview mirror, mangha itong nakatingin sa kanya but nonetheless, she nodded her head.             "Good. And with that, I can assure you that I'll protect you at all cost," tugon niya. Laking pasasalamat din niya na mukhang madali naman pa lang kausap ang dalaga. Nang tingnan niya ulit ito, abala na itong nakatingin sa hawak nitong cellphone. May pagngiti pa itong nalalaman. Kung minsan ay naka-kunot ang noo pagkatapos ay ngingiti na naman. He was surprised that during their travel, there wasn't a time that he got bored. Siguro dahil naaaliw siyang makita ang papalit-palit na reaction ng dalaga habang abala ito sa cellphone nito. Napaka-transparent ng mukha nito. Madaling mabasa.             "Pwede ba tayong huminto saglit?" maya-maya ay imik nito.             "Where?" Itinuro nito ang isang sikat na fast food kung saan may disenyo iyong malaking bubuyog. Halata ang excitement sa mukha nito. Agad niyang ipinarada ang sasakyan saka inalalayan itong bumaba. Pa-simple niya itong sinundan sa loob, still accessing the perimeter. Mahirap nang maisahan. And besides, he doesn't want her to get hurt under his watch. Una nitong pinuntahan ay ang CR ng mga babae. Siya naman ay umupo sa bakanteng mesa kung saan kita niya ang maglalabas-masok ng cr. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Hunter. He asked for his help to dig dipper about Senator Galindo's life and everyone around him. Gusto niyang malaman kung tama ba ang naging desisyon niya na tulungan ito.             "I already have the results, buddy," tugon ng kaibigan kahit hindi pa man niya ito tinatanong. "I'll personally hand it to you. Kailan ka ba free?"             “I’ll just call you when I’m free," sambit niya. He ended the call afterwards. Sakto namang kalalabas lang din ng dalaga galing sa CR ng mga babae. Akala niya aalis na sila ngunit nang tanungin siya nito kung ano ang gusto niyang pagkain, mukhang may balak pa itong kumain.             "No, thanks," tanggi niya. "I'm still full."             "No! I insist," sagot nito, bahagya nang nakasimangot. "Sabihin mo na kung ano ang gustong mong pagkain."             "Bahala ka na," maikli niyang sagot. Wala ata itong balak magpatalo sa kanya. Makulit din minsan. She just rolled her eyes at him then said,  "Wala naman silang pagkain na bahala na, eh!"             "Dalawang chicken thigh, dalawang burger champ saka dalawang large fries." sagot niya habang  abala sa pagtingin sa paligid. "And a large drink, please." Sinabi na lang niya kung ano ang basta niyang naisip ngunit nang makita ang pag-awang ng mga labi nito, hindi niya maiwasang mapangiti.             "Oh my God! You can eat all that?" manghang tanong nito. Tumango lang siya bilang tugon.  Mabuti na lang at hindi na ito nagsalita pa ulit. Hindi na niya kasi alam kung ano ang sasabihin pa. He prefer her to be quite and timid. Siya na ang nagdala ng order nito dahil nakita niya ang struggle nito sa pagbitbit. Sa liit ba namang babae nito, paano nito mabibitbit ang pagkain gayong may bag pa itong pinakaiingatan? Naiiling niyang nilapitan ito saka kinuha ang tray na buhat nito pagkatapos ay sinundan ito sa paghahanap ng mauupuan nila. Nang magsimula na silang kumain, hindi niya maiwasang mamangha sa dalagang kaharap. She may be a rich man's daughter but she doesn't act like one.  Nakita niyang inilapag nito ang bag sa kandungan nito pagkatapos ay walang kiber na nagsimulang kumain. She even used her hands while eating. Nakaka-amaze lang panoorin na hindi ito katulad ng ibang babae na conscious sa figure nila kaya pili ang kinakain. Yes, ayaw nito ng gulay ngunit habang nakikita niyang kumakain ito ng burger at fries habang naka-kamay, hindi maiwasang maisip na kahit siguro saan dalhin ang bababeng ito, eh kayang makapag-cope up agad.             "What?" tanong nito nang mahuli siyang nakatingin. Umiling siya, "Hindi ko lang akalain na kumakain ka ng mga ganitong pagkain."             "Bakit? Masarap kaya," sambit ng dalaga. Uminom ito ng softdrinks pagkatapos ay nagpunas ng kamay. "Naalala ko pa noong college ako, pumupuslit pa ako para lang makakain ng mga ganitong pagkain. Usually kasi, nagagalit ang mommy ko kapag kumakain ako ng mga ganitong pagkain. Hindi raw healthy saka, tataba raw ako kapag madalas akong kumain nito."             "You're still skinny though," sambit ni Seb. Ewan ba niya kung bakit masyadong big deal sa mga babae ang figure nila. Mas gusto niya sa babae 'yong medyo malaman para masarap yakapin at panggigilan.  Napatigil naman sa pagsubo ng burger si Keith dahil sa isinagot ng kanyang bodyguard. Nahiwatigan niya ang bahid ng inis sa boses nito ng magsalita.             "Ayaw mo sa skinny?" hindi na napigilang magtanong ng dalaga.              "Huh?"             "Tinatanong ko kung gusto mo ba ang skinny na babae o hindi?" tanong ulit ng dalaga. Nakita niya ang pagkunot ng noo ng kaharap, puno nang pagtataka ang mukha.      "Kailangan ko bang sagutin 'yan?" Nagkibit-balikat ang dalaga, "Kung ayaw mo, 'di huwag."             "Iba-iba ang perception ng mga lalake pero para sa akin, mas gusto ko ang babaeng medyo malaman. Masarap yakapin tsaka paggigilan."  Napatikwas ang kilay ng dalaga dahil sa isinagot ng binata sa kanya. Really? Of all adjectives, iyon talaga ang naisip nito? Masarap yakapin at panggigilan? Napapailing na lang siya sa mga sinasabi nito, eh. Ipinasya na lang niyang itikom ang bibig, baka lalong hindi niya magustuhan ang sunod na salitang lalabas sa bibig nito, magkasagutan pa sila. Mukhang katulad din kasi ito ng mga lalakeng kilala niya na hindi rin kaya na maging bakante. Nakita naman ni Seb sa mukha ng dalaga ang hindi nito pagsang-ayon sa sinabi niya. Hinihintay niyang magkomento pa ito pero hindi na ito nagsalita pa at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ulit. Pagkatapos nilang kumain, agad silang dumiretso sa St. Agnes Foundation kung saan pinakamalaking benefactor ang mag-amang Galindo. Isa iyong foundation kung saan inaalagaan ang mga kabataang inabandona ng kanilang mga magulang. It was his first time seeing her meddling with a lot of children. Base sa nakikita  niya, hindi iyon scripted dahil naaaninag niya sa mga mata nito ang saya at concern sa mga bata. He saw how she giggle and laugh with all of the children's jokes.  Lumayo siya saglit dito ng makitang tumatawag si Max. Agad niyang sinagot ang tawag nito.              "Yes, Max?" Halos mag-isang linya ang kanyang kilay dahil sa narinig mula kay Max. Pa-simple niyang nilibot ng tingin ang buong paligid subalit wala naman siyang napapansin na kakaiba. Si Max at ang tatlo pa nitong kasama ang siyang nag-iikot sa buong lugar na nasasakupan ng foundation. Kung totoo man ang sinabi ni Max na may kahina-hinalang sasakyan na kanina pa paikot-ikot sa lugar, hindi niya iyon pwedeng ipagsawalang-bahala.  Nilapitan niya ang dalaga pagkatapos ay bumulong dito, "Magtatagal pa ba tayo rito?"              "Bakit?" takang tanong ng dalaga. "May nangyari ba?" Hindi pa man sumasagot si Sebastian ay nilingap na ng dalaga ang paligid niya. She may appear weak pero pagdating sa mga ganitong sitwasyon, mabilis siyang maka-sense. So far, wala naman siyang nararamdaman na kakaiba.             "Wala naman," sagot ng binata.              "Ate, siya ba 'yong tinutukoy mong prinsipe sa mga kwento mo?"  Kapwa nagulat ang dalawa sa pagsulpot ng isang batang lalake sa kanilang harapan. Halata ang paghanga nito kay Seb dahil animo isang specie ito na inikot-ikutan ng bata at sinusuri.             "No! Hindi siya," mariing tanggi ni Keith. Pero sa totoo lang, habang kinu-kwento niya sa mga bata kanina ang tungkol sa isang prinsesa na nagka-gusto sa isang supladong prinsipe, si Seb ang naiisip  niya. Pinakatitigan ng bata si Seb at sa huli, hindi na ito nakatiis na hindi magsalita, "Pero parang siya po talaga ang tinutukoy niyo, eh." Napukaw ang interes ni Seb dahil sa sinabi  ng bata. Bahagya siyang lumuhod upang magpantay ang kanilang mukha.             "Anong pangalan mo?" tanong niya rito.             "Ako po si Teptep, Sir!" matikas nitong sagot kaya napangiti si Seb. Naaalala niya ang saili sa batang kaharap.             "Okey, Teptep, bakit mo nasabi na ako ang tinutukoy ni Miss Keith sa kanyang kwento?"              “'Naisip ko lang po. Sabi po kasi ni Ate Keith, pogi raw 'yong prinsipe tsaka malakas. Kaya raw nitong makipaglaban at ipagtanggol ang prinsesa."  Sinulyapan ni Seb ang dalaga pagkatapos ay pabulong na nagsalita, "Gusto ba ng prinsesa 'yong prinsipe?" He drifted his gaze to the boy, waiting for his answer.             "Siyempre, gusto po. Kaya lang, malungkot ang prinsesa sa kwento, eh."             "Bakit naman?"             "May iba na po kasing gusto 'yong prinsepe. Kaya ayon, palaging malungkot ang prinsesa." Kababakasan ng lungkot ang boses ni Teptep habang nagku-kwento. Mukhang hook na hook ito sa kwento ng dalaga. Hindi naman magawang tingnan ni Keith ang kanyang bodyguard. Nahihiya siya dahil alam niyang sa kwento niya, si Seb ang tinutukoy niya. Bigla siyang nahiya. Mabuti na lang at mukhang hindi naman iyon sineryoso ni Sebastian kaya nakahinga siya nang maluwag. Halos dalawang oras pa ang inilagi nila roon dahil pagkatapos ng story telling, marami pang event ang foundation na game namang sinalihan ng dalaga. Hindi mo kakikitaan ng pagkabagot ang maganda nitong mukha, hindi tulad noong gabing makita niya ito sa isang social gathering. Nagpaunlak din ito ng yayain ito ng mga bata na magsayaw. In fairness, mahusay daw  itong magsayaw base na rin sa nabalitaan niya. At nang makita nga niya itong sumayaw, kulang ang salitang mahusay dahil sa kanyang palagay, maari itong sumali sa mga international dance  competition. He couldn't help but to watch her dance gracefully amongst the children. Hanggang sa makauwi sila, halata ang kasiyahan sa mukha nito. Kasalukuyang stock sila sa traffic ng tanungin niya ang dalaga kung siya nga ba ang tinutukoy nito sa kwento.             "Paano kung sabihin kong ikaw nga, ipagbabawal mo ba?" balik tanong ng dalaga sa kanya.             "Hindi naman bawal na i-associate mo ako sa mga kwento mo, Miss Keith," he said then paused a little. "Pero bawal kang magkagusto sa akin." Keith was taken aback by what he said. Hindi niya inaasahan na ganoon ang mga salitang lalabas sa bibig ng kanyang bodyguard.             "It was just a simple admiration. Nothing more," sagot niya rito. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa lakas ng loob niyang aminin dito na hinahangaan niya ito.             "Good," tipid nitong sagot. "Because I don't mix work with pleasure, Miss Keith. And besides, iisang babae lang ang nasa loob ng puso ko. Kaya ngayon pa lang, pigilan mo na 'yang paghanga na nararamdaman mo dahil baka kung saan pa makarating 'yan. Masasaktan ka lang dahil nang pakasalan ko ang asawa ko, I already decided that no one could take her place anymore."             "Nasasaktan na 'ko ngayon pa lang," pabulong na sambit ni Keith. Sa iilang linggo na magkasama sila ni Sebastian, hindi niya namalayang unti-unti nang umuusbong ang paghanga niya rito. She learned to admire how he talks less, how his eyebrows knitted with confusion every time he is alone and she just loves it when he's around. Pakiramdam niya, safe siya palagi. At kahit masakit, hinahangaan niya ang klase ng pagmamahal na meron ito para sa dati nitong asawa. Pagkatapos nang maiksi nilang usapan sa sasakyan, wala na silang imikan hanggang sa makarating ng bahay. Pagkapasok ni Keith sa loob ng kanyang kwarto, doon napagtanto ng dalaga na hindi na simpleng paghanga ang nararamdaman niya para sa kanyang bodygurad. Dahil nasasaktan siya sa isipin kung gaano nito kamahal ang namayapa nitong asawa hanggang ngayon. From what she learned, ilang taon na rin itong patay but his love for her didn’t falter. What a sweet and amazing love they both have. Sayang nga lang at maagang nawala ang asawa nito. Yes, wala na ang asawa nito but her memory still lingered on him. At mukhang ito ang magiging dahilan kung bakit  mahihirapan siyang pasukin ang puso ng isang Attorney Sebastian Almodovar.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD