Jake's POV
F*CK!
Mabilis kong isinara ang pinto ng kwarto ko at saka ako napasandal sa pintuan ko habang nakahawak sa kumakabog kong dibdib
T*NGINA!
Ano to!? Ano tong nararamdaman ko!? Ba't ako nag-iinit!? Samantalang ang lakas naman ng level ng aircon dito sa condo ko! Bakit ba ako laging natitigilan pag nasa ganoon kaming sitwasyon ni Marcus? Palagi ring ang lakas ng kabog ng dibdib ko.... Aisshhh!
"Kalma Jake!" bulong kong singhal sa sarili ko habang sinasabunutan ko naman ang buhok ko
Hanggang sa nagpasya na akong magbihis... Pagkatapos kong maiayos ang lahat ng kailangang ayusin ay saka ako lumabas sa kwarto ko... Naabutan ko sa sala si Marcus na naka-upo sa couch habang hindi mapakaling nilalaro ang darili nya... Linapitan ko ito saka tinapik
"Tara na" pag-yayaya ko rito
Tumayo na ito ngunit hindi pa man kami nakarating sa pintuan ng condo ko ay bigla nalang tumunog ang kanyang tyan... Nagkatinginan kami at mabilis naman syang umiwas ng tingin... Nahihiya yata
"Maya na muna tayo pumasok tutal maaga pa naman eh, magluluto muna ako para sa agahan natin" tugon ko rito
"Hindi na, hindi pa naman ako gutom eh" saad nito at akmang lalakad na ngunit mabilis ko itong hinawakan sa kanyang braso
"Hindi gutom, pero yung tunog ng tyan mo mas malakas pa sa kulog" saad ko rito na may halong pang-aasar kaya't masama ako nitong tinignan
"Tseee!" galit nitong hasik sakin na syang ikinatawa ko
"Haha, peace! Pero seryoso brad, mag-almusal muna tayo" tugon ko rito sa may seryosong boses
"Aishh sige na nga! Basta kapag hindi masarap yang iluluto mo ipapa-salvage talaga kita!" pagbabanta nya sakin
"Alam mo kapag MASARAP daw ang nagluluto tiyak daw na MASARAP ang niluluto nya" saad ko na parang proud pa
"Tsee! ang yabang mo! pwede bang dalian mo na at magluto ka na!" saad nito saka mabilis na tinungo ang couch
"Opo, senyorito" magalang ko kunyaring saad saka pumunta sa kusina para magluto na
~After minutes of cooking~
Natapos ko na rin ang lahat pati narin ang table setting... Ang niluto ko lang ay Omurice (Japanese rice omelette) at bacon... Nagtimpla na rin ako ng kape para sakin, hindi ko na pinagtimpla ng kape si Marcus kasi baka hindi nya naman gustong magkape kaya naman ay nagtimpla na rin ako ng juice... pagkatapos ng lahat ay saka ako pumunta sa sala upang tawagin na si Marcus
"Marcus handa na ang pagkain halika na" pag-yayaya ko rito
Tumayo na ito saka sabay kaming nagtungo sa dining area
"Omurice and bacon for breakfast" saad ko na parang nag prepresenta sa mga pagkaing nasa lamesa
Kumunot lang ang noo nya saka naupo sa upuan at nagsimula na syang magsandok... Umupo na rin ako sa upuan ko tsaka nagsandok na rin
"Uhmm hindi na pala kita pinagtimpla ng kape kasi baka hindi mo rin tipo yung kape eh" saad ko habang hinahapos pa yung batok ko
"Ok lang, ok na ako dito" saad nya
Sumubo sya ng omelette at ako naman ay nakatingin sa kanya... Ngumuya nguya sya at biglang napangiti ngunit napawi iyon ng makita nya akong nakatitig sa kanya
"Ano? Ba't ka nakatitig ng ganyan sakin?" nagtataka nitong tanong
"Hmm wala, so ano masarap ba?" tanong ko naman rito
Tumikhim naman ito saka uminom ng juice
"M-medyo" nauutal pa nitong sagot
Tumango lang naman ako ngunit pinipigilan ko ring matawa kasi halata namang nagustuhan nya eh kaso in-denial pa
Binilisan na naming kumain kung kaya't mabilis rin kaming nakatapos... Inipon ko na ang mga huhugasan ko ng may magsalita sa likuran ko
"Ako na dyan" saad nya
Akmang kukunin na nya yung sponge ngunit mabilis ako kung kaya't pareho namin itong nahawakan... Nagkatitigan kami at mabilis naman nya itong binitawan
"Ako na kasi rito" mahinahon kong saad
"Sige bahala ka" saad nya saka naglakad na pabalik sa sala
Nang matapos kong mahugasan lahat ng pinggan ay saka ako nagtungo sa sala... Naabutan ko roon si Marcus na nagbabasa kaya naman ay naalala ko na hindi pa pala ako nakapag-review ng maayos kasi nakatulog ako kagabi
"Nga pala Marcus hindi nga pala ako nakatapos ng review kagabi kasi nakatulog ako" saad ko rito na napapahaplos pa sa batok
"I know, kaya heto oh" saad nya sabay abot ng isang notebook
"Ano to?" nagtataka kong tanong
"Nandyan lahat ng kailangan mong aralin" saad nya tsaka tumayo na... "Tara na malelate na tayo" saad nya
Kaya naman ay umalis na kami roon... habang nasa biyahe ay nagrereview naman ako... Si Marcus ang nagmamaneho kasi kotse nya ang dala namin... Hindi na ako nag kotse kasi sabi nya ihahatid nalang daw nya ako mamaya pag-uwi
Nakarating na kami sa school... mabilis nyang ipinark ang kotse nya at saka mabilis kaming naglakad sa hallway patungo sa classroom namin
Nang makarating kami roon ay sakto namang pagdating ng prof namin kung kaya't nag exam kaagad... Mahigpit ang mga rules ng exam kaya naman ay wala talagang makakakopya o di kaya ay maka cheat... mahirap rin ang mga tanong kung kaya't nahirapan ako
Mabilis na dumaan ang mga minuto at marami na rin ang natapos, kabilang na roon si Marcus... Binilisan ko na ang akin at inisip ng mabuti ang mga maisasagot ko sa exam paper... At sa wakas natapos ko rin ito
Pinasa ko na ito sa prof namin... Hanggang sa natapos na ang lahat... Ganoon lang ang nangyayari sa bawat exams... hanggang sa natapos na ito at uwian na... Half day lang kasi yung exam kaya naman ay may oras pa kami para mag prepare sa exam namin para bukas
At katulad nga ng usapan ay isinakay ako ni Marcus pauwi... inihatid nya ako sa condo ko tsaka nagbigay ng notes para mareview ko para sa exam bukas
Nang makapasok na ako sa room ko ay saka ako mabilis na naligo... pagkatapos ay nag review na ako
Dumaan ang ilang oras at napag pasayahan ko nang matulog
~Kinabukasan~
Kung ano yung nangyari sa exam kahapon ay ganoon parin ngayon... Kinakabahan ako sa maaring resulta ng exam namin...
Pagkasapit ng hapon ay malalaman na namin ang aming mga scores sa exam... Pupunta kasi samin ang bawat subject teacher with 30 minutes para maipahayag ang aming mga score
Dumating na ang prof namin sa first subject kahapon...
"Good Afternoon Sir" bati namin
"Good Afternoon din sa inyo, now I want you to give a big round of applause for Mr. Dela Fuente for having a perfect score" saad nya... kaya naman ay pumalakpak kami..." Now I want to announce the students who pass the test" saad nito... "So first Mr. Dela Fuente" saad nya at napapalakpak naman kami... "Ms. Lopez" saad naman nya at napapalakpak uli kami... sunod sunod nya itong binanggit at pumapalakpak lang naman kami... I was silently praying na sana ay kabilang ako ron
Kinakabahan na rin ako at marami naring namumuong tanong sa isip ko kagaya ng 'Pano kung hindi ako makapasa?'... ngunit napawi lahat ng iyon ng mabanggit ni prof ang huling nakapasa sa exam
"So the last but not the least is Mr. Monteverde" saad ni prof at pumalakpak naman ang mga kaklase ko...
Napangiti ako ng malaki
YES! THANKS GOD!
Tumingin ako kay Marcus na malaki ang ngiti sa labi...
'Thank you' sabi ko sakanya na walang boses
Tumango tango lang naman sya at ngumiti
Hanggang sa nagpaalam na ang prof namin
Ganoon lang ang nagyayari at sa bawat exams ay nakapasa ako... Kaya naman yung ngiti ko ay abot hanggang tenga
Nagsiuwian na kaya naman ay niyaya ko si Marcus na pumunta sa mall para ma treat ko sya bilang pag tha-thank you sa kanya... Ngunit dumaan muna kami sa condo ko para makapagbihis ako... Ngunit bigla nalang nag ring ang phone ko
Marcus POV
Nasa condo kami ni Jake sabi nya kasi itre-treat nya ako sa mall bilang pag tha-thank you daw kaya naman ay pumayag na ako... Kaso nga lang natagalan kami kasi tumawag yung parents nya
Sobrang saya nya... Ikinikwento nya kasi sa mga ito na nakapasa sya sa mga exams... Para syang bata kung magkwento... Yung mga tawa nya... Hayss
'Ang cute' nakangiti kong tugon... ngunit hindi ko alam na napalakas pala kaya lumingon naman sya sakin na nagtataka
"Hehe pwede pa Cr?" palusot kong tanong... na ikinatango nya lang
Kaya nagkunwari akong nagpunta sa Cr... Pagkarating ko roon ay saka ko sinabunutan ang sarili ko
Aishh Marcus! Gago ka ba!? Cute talaga ah!? Gago ka talaga! kung ano-ano iniisip mo! Aishh Marcus!