16

1156 Words
"Next Please" Our Educ Week has already started. Buong week walang classes kung hindi puro sports and booths lang. Kaya kahit anong oras pwede kaming lumabas sa room at mag-ikot ikot sa school. Habang ang ibang students ay lumalaban sa intrams sa gymnasium sa taas. Dalawa court namin, isa sa baba which is 'yung ground habang ang isa 'yung sa taas. Right now, nakapila kami for booth. Kasama ko si Tony nakapila, napili niyang booth ay photo booth which is pumayag din ako. Siya ang nagbayad para sa booth, habang ako namimilit na hati kami but he always complain, so walang choice ako. Nuong kami pa ni Cedric, ako lagi ang gumagastos. Napaka kuripot niya to the point na papayag ako kahit magkano pa ang bibilhin niya. Siguro naging tanga ako nun dahil pumayag pa ako, but now Itong boyfriend ko never akong pinagastos kung hindi lang ako magiinarte. "Angel, hey!" Napalingon ako kay Tony na nasa harap na ng camera at ready na mag papic. Napangiti na lang ako sa kanya at tumabi na sa kanya. It contains 3 shots ang picture kaya ma-effort kaming dalawa sa pag-popose para sa litratong iyun. Pero bumili pa ng isang ticket si Tony kaya naging 6 shots. Tig-isa daw kami para may-maitago. "Saan tayo next?" Tanong ko dito kapagkuwan "Uhmm, ikaw ba?" He said casually "Pwedeng kain muna tayo?" Paglalambing ko dito "Ikaw wala ka ng ginawa kung hindi kumain, pero sige" pagpayag nito at naglakad na kami Hindi na kami 'yung parang magkadikit na magkadikit. Nagpasya ako na magkaroon muna ng distansiya sa aming dalawa. Minsan kasama kaming buong tropa para hindi mapansin. Speaking of tropa, wala sa tabi namin ang dalawa. Nag hunting nga ang gaga, samatala ang isa sunod lang ng sunod kay Syd. Nagkayayaan kami mamayang uwian kumain sa Unli Wings. Kami kami lang tatlo. Kumain kami ng mga snacks at nagsimulang maglibot libot. Hanggang sa may nakita akong pamilyar na lalaki. Kilala ko ata 'to? Grade 9 student tapos pogi. Pamilyar siya, san ko nga uli 'to nakita? Boom! 'Yung sa jollibee. 'Yung pogi na sinasabi ni Sydney. Hah! Masabi nga kay Syd! Wag na lang kaya? Ewan! "Sino tinitignan mo diyan?" Agaw pansing tanong ni Tony Napalingon ako sa kanya at umiling na lang ako, "wala-wala. Hinahanap ko lang si Syd" pag sisinungaling ko, baka nanaman kasi magselos 'to. Tulad nung last time, nakakita lang ako ng pogi sinabi niya na kaagad na baka iwan ko daw siya, kala mo naman talaga iiwan. Nakakita lang, iwan na kaagad? "Ano na sa'n na tayo next?" Tanong naman ni Tony ilang sandali pa "Puwede room muna? Mag-time na, e. See you na lang bukas" sambit ko pa dito "Oki, Huwag kang magkalibang sa gala niyo, ahh, baka mamiss kita" kindat ni Tony at hinatid niya na ako sa room namin. Uwian na ng makalabas ako ng room. Nagpaalam na sa akin si Tony kanina at may pupuntahan daw sila mag-kakaibigan kaya nauna na ito at hindi na ako inantay. Nang makarating ako sa hagdanan laking gulat ko na anduon si Cedric nakaupo sa hagdanan at tila may inaantay. Hinayaan ko na lang at nagtuloy sa pag-lalakad hanggang sa naramdam ko na may humila na lang sa palapulsuhan ko at hinarap ako sa pagmumuka nito. "Ano nanaman ba?" Naiinis na singhal ko dito sa pagmumuka niya "Hindi ko na kaya, Madi" he said softly "Ano nanaman bang pinuputok ng butchi mo? Hah! Cedric?" angil ko dito habang kunot nuong pagtatanong "Hindi ko na kaya, Madi. Please give me another chance" pagmamakaawa nito habang lumuluhod pa sa harap ko What The? May sapak talaga siya, e 'no? "Hindi ka ba nakakaintindi? It is clear for me, matagal na! Wala ng tayo at wala ng babalikan, Umayos ka nga Cedric, tumayo ka diyan kasi nakakahiya na!! If it's not clear for you, manigas ka diyan!" I said pissed off "But please, Madi. Ako na lang. Please!!" pagmamakaawa pa nito lalo, I can see his glinted eyes. Bumuntong hininga ako, "Ano ba, Cedric! For the f**k sake, may boyfriend ako at may girlfriend ka, Mahal ko ang boyfriend ko at hindi ko siya hihiwalayan para lang ipagpalit sa taong kagaya mo. Kaya please lang, Cedric, Mahalin mo ang girlfriend mo, mahal ka ng tao at wag mong lokohin. She's better than me" Pagsusumamo ko dito at umalis na. I sighed, Woo, Tindi nun ahh. Kailangan niya na mag move on at sa feeling ko kaya 'yan nagkakaganyan ay dahil lang nakikita niya na okay na ako at masaya na sa iba. He needs to love his girlfriend, mabait ang jowa nito at alam ko 'yun dahil magkakilala kami. Pumunta na ako sa simbahan kung saan kami mag-kikita kita nila Citi. Tamang tama naman na anduon na ang dalawa at mukang kanina pa nag-aantay. "Bakit ba ang tagal mo?" naiinip na tanong ni Citi "Ahh, si Cedric kasi lumapit nanaman. Parang tanga" Sambit ko at niyaya na sila umalis Sumakay pa kami ng jeep para mas mabilis makapunta duon. Tamang tama naman na walang dala si Syd na phone kasi daw nakalimutan niya. "Syd, may nakita akong pogi" bungad ko kaagad ng makaupo kami sa lamesa "Saan?" Biglang nag-ningning ang pagmumuka nito habang naaghahagilap sa paligid niya "Sa school kanina. Grade 9, hindi ko nakita pangalan, e" Masayang tugon ko dito "Walang Kwenta, chos! Dapat man lang tinanong mo pangalan" Nakangising wika nito "Gaga, marunong din ako mahiya 'no" Binatuhan ko siya ng tissue, "Tsaka mukang masungit. Ayun 'yung nakita natin sa Mcdo nung nag Aura tayo nila Citi during Undas" I casually said "Alin? Hindi ko na maala, e" She said confusingly "Paano ba naman maalala, sa dinami daming poging nakikita na hindi naman talaga, kala mo maalala pa niya? E, siguro libo-libo na naging crush nito" Sabat ni Citi May points siya! Baka nga hindi libo, e. Million na ata! Kasi araw-araw may napupukaw na atensyon. "Tama nga naman. Masyado kasing marupok 'tong si Sydney, e" angil ko "Sinabi mo pa. Siya na ata ang pinika marupok sa buong mundo" Citi chuckled "WOW! Andito lang ako sa harapan niyo. Maawa kayo!" Sabat ni Syd "at least hindi plastic!" Sagot naman kaagad ni Citi "Oo nga, e. Sa sobrang honest niyo may nasasaktan at nasasaktan pa rin sa mga totoong balita" hugot ni Syd "Ito nanaman tayo sa pag-huhugot mo! Parang timang" Citi said in high-pitch voice using her big mouth "Citi, Huwag mong masyado ibuka bibig mo baka mag quack-quack ka na diyan" sabat ko sa kanila Natawa si Sydney dahilan para asarin din niya si Citi, "f*****g Duck" Napapaimpit na tawa ni Syd "Maganda namang Duck" irap ni Citi "Walang magandang duck, Citi. Lahat sila panget, like you" pang aasar ko dito dahilan para mapasimangot ang muka nito "Wews, at least matalino" asik nito "Ano connect?" Tanong ni Syd para maasar lalo si Citi Naasar nga si Cuti, dahilan para manahimik kami at antayin na lang ang order namin. Nang makarating, kumain kami at nagkwentuhan na lang ng iba't ibang topics. Umuwi kami mag babandang 5pm na. Kaming dalawa ni Citi ay nag-jeep habang si Syd, umiba ng direksyon dahil malapit na lang ang bahay niya, mag-tricycle na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD