Chapter 3 Hurt

1607 Words
Matuling nagdaan ang mga araw at ang mga buwan. Hindi ko namalayang dalawang taon na ang lumipas. Lahat ng aming mga miyembro ay busy sa kani-kanilang misyon. Narito kami ngayon sa Chicago City Hotel. Ang misyon namin ay protektahan ang governor ng Illinois dahil may mga pagbabanta sa buhay nito mula sa kalaban naming organisasyon - ang Crosseux Group. Kung ang Phoenix ay pumapatay ng mga masasamang tao na karaniwa'y mga pinuno ng sindikato o gangs, sila ay walang pinipili. Balita ko nga ay 15M dolyar ang nakapatong sa ulo ni Governor. Nakakatawa dahil bukod sa mga pulis ay pati kaming mga assassins ay kinuhanan nito ng serbisyo upang iligtas ang buhay nito. "Ang makatatapat lamang sa mga assassins ay mga kapwa nila assassins," sabi ng governor. May logic naman ang kanyang rason kaya tinanggap na namin ang misyong ito. Ngayon nga ay naririto kami dahil um-attend ang governor ng birthday celebration ng isang mayor. Pormal ang kasuotan namin at nakikihalubilo sa mga bisita upang hindi kami mapag-isipan nang masama ng mga bisita ni Gov at ng mga media na nagko-cover sa event. Ako ang escort ni Amanda ngayong gabi samantalang sina Marc at Julie naman ang magkapareha. Pagkalipas ng dalawang taon ay mas lalo pang gumanda si Amanda. She is now 26 tulad ko. Dinala ko siya sa dance floor at isinayaw dahil pareho na kaming bored sa katatayo. Isa rin iyong paraan upang makita ang mga taong kahina-hinala ang mga kilos. Umiikot ang aming mga paningin sa paligid. Mahirap na ang masurpressa kami ng mga nagbabalak na patayin ang gobernador. Nasulyapan ko rin ang iba pang kasamahan namin na nagpapanggap na mga bisita o 'di kaya ay mga taga-silbi, media, o bodyguards ng mga pulitikong naririto ngayon. Lihim na nag-usap ang aming mga mata kapag nagsasalubong ang aming mga paningin. Nasa sampu kami rito sa party ngayon. Ang iba naman naming mga miyembro ay nasa katapat na building at sila ang magsisilbi naming back up kung sakaling hindi magiging maganda ang mga pangyayari ngayong gabi. Nang kunwari ay mapagod na kami ni Amanda ay bumalik na kami sa aming puwesto malapit sa presidential table. Saglit kong tinignan ang governor na nakikipag-usap sa mayor at saka ko iginagala ang aking mga mata sa paligid nang may mapansin akong babaeng nakatitig sa kanilang dalawa. Palihim ko itong ininguso kay Amanda. Nagkaintindihan kami agad nang saglit na magtama ang aming paningin. Naglakad si Amanda papunta sa presidential table samantalang tumayo at naglakad ako patungo sa babae. Napabilis ang paglalakad ko nang mapansin kong may dinudukot ito sa loob ng kanyang bag. Napansin ako ni Marc kaya mabilis niya akong sinundan. Malapit na ako sa babae nang mapansin ko naman ang isang lalaki sa aking pinanggalingan na naglabas ng isang baril. Napasigaw ang mga bisita nang makita ang sandata. Nagkagulo na ang lahat dahil sa sigawang iyon. Kanya-kanya nang takbuhan ang mga bisita habang nagpa-panic na sila. May nakita rin akong iba pang naglabas ng mga baril mula sa mga taong nasa loob ng bulwagan. Nang lumingon ako sa babaeng pupuntahan ko sana ay nawala na siya mula sa kanyang kinatatayuan. Inilabas ko na rin ang aking baril nang makarinig ako ng sunod-sunod na mga putok at nakipagpalitan na rin ako ng bala sa mga kalaban. Puro sigawan at putok ng mga baril ang maririnig sa malawak na bulwagan sa mga oras na iyon. Tumingin ako sa kinaroronan nina Amanda at ng governor. Nakita ko siyang nakikipagpalitan na rin ng putok sa mga kalaban habang prinoprotektahan ang pulitiko sa kanyang likuran. Gusto ko mang lumapit sa kanila ngunit masyadong maraming nagpapaputok. Ayokong tamaan ng bala dahil maaaring hindi ko na maililigtas si Amanda kapag nagkagipitan dito ngayon. Tatlong miyembro na ng kalaban ang nakikipagbarilan kay Amanda. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naglabas ng uzi ang isa sa kanila at ipinutok iyon sa may presidential table. Tinarget ko ang lalaki. Bumulagta siya nang matamaan ng bala mula sa baril ko. Tumakbo ako sa kinaroronan nina Amanda ngunit napasigaw ako nang makita ko siyang duguan habang naka-cover sa katawan ng governor. Hindi ko na pinasin ang mga balang nagliliparan sa paligid ko. Ang tanging nasa isipan ko sa mga oras na iyon ay ang mapuntahan kaagad siya. "Mandy!" tawag ko sa kanyang pangalan nang makalapit na ako sa kanila. Nataranta ako nang hindi siya mag-angat ng mukha. Wala na siyang Malay dahil sa mga tinamo niyang mga tama ng bala. Kaagad kong iniangat ang katawan niya at binuhat habang pinipilit ko rin na tinatakpan ng katawan ko ang katawan ng takot na takot na opisiyal na ginuwardiyahan ni Amanda ng buhay niya. Tumakbo kami sa isang sulok at doon nagtago hanggang sa matagpuan kami ng mga kasama ko at matulungang makalabas na ligtas sa lugar na iyon. … Isinugod namin si Amanda sa pinakamalapit ng pagamutan. Ayaw naming makipagsapalaran kung sa chapter pa namin siya dadalhin dahil medyo malayo iyon siyudad na kinaroroonan namin ngayon. Parehong ligtas ang governor at ang may bahay nito at masasabi kong tagumpay naman kami sa aming misyon. Iyon nga lamang, bukod kay Amanda ay may dalawa pa kaming kasamahan na napuruhan ng mga kalaban. Palakad-lakad ako sa labas ng operating room. Hindi ako mapakali. Kasama ko sina Julie at Marc sa paghihintay na lumabas ang doktor na nagsasagawa ng operasyon kay Amanda. Pagkatapos ng dalawang oras ay lumabas na ang hinihintay namin. Halos sabay-sabay kaming napalapit sa kanya. "She's safe now," sabi niya sa amin. Napasigaw sa tuwa si Julie at napayakap pa kay Marc. Nakahinga naman ako nang maluwag at hindi na narinig ang iba pang sinabi ng doktor dahil nakita kong inilabas na si Amanda para dalhin sa kanyang magiging kuwarto. Iniwan ko na ang dalawa na patuloy na nakikipag-usap sa doktor at sinundan ang mga nurse. Binantayan ko magdamag si Amanda. Laking pasasalamat ko sa Diyos at ligtas siya. Habang tulog na tulog siya sa harap ko ay hindi ko napigilang hawakan ang kamay niya. Dinala ko ang kanyang palad sa aking bibig at hinagkan nang paulit-ulit hanggang hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako habang hawak pa rin ang kanyang kamay dala na rin ng pagod at stress sa naganap. Ni hindi ko na alam kung sumunod ba sina Julie at Marc sa kuwarto ni Amanda. Nagising na lang ako nang marinig ko ang palahaw at maramdaman ang paggalaw ni Amanda. Malakas siyang umiiyak habang pinipigilan ni Julie sa akma niyang pagtayo. Napatayo na ako at tinulugan si Julie na pakalmahin siya. "What's happening?" I asked them, bewildered of what was going on. "Terrence, hindi ko maigalaw ang mga paa ko!" sigaw ni Amanda sa akin. My jaw dropped ngunit agad din akong nakabawi. "Calm down, Mandy. Baka dumugo ang mga sugat mo." I tried calming her but to no avail. She’s really panicking. "No, Terrence! How can I calm down if I can't move my f*****g feet!" Muli siyang nagpalahaw ng iyak pagkatapos isigaw ang katotohanang iyon. Nasulyapan ko si Julie na umiiyak na rin. Naaawa ako kay Amanda. Hindi ko na napigilan ang paglandas ng ilang butil ng mga luha sa aking magkabilang pisngi. Wala akong magawa para sa kanya kundi ang yakapin siya at tahimik manalangin. God! ‘Wag namang sanang mangyari ang kinatatakutan ko. Sinusuntok niya ako sa likod at pilit na kumakawala sa pagkakayakap ko sa kanya ngunit hindi ko siya binitawan. Napapikit ako hindi dahil sa sakit ng kanyang mga suntok kundi dahil sa sakit na makita siyang nahihirapan at umiiyak. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Marc kasama ang doktor ni Amanda at isang nurse. May itinurok ang nurse sa daluyan ng dextrose ni Amanda habang pinipigilan namin siya sa kanyang pagwawala. Hanggang sa unti-unting humina ang pagsuntok niya sa akin na epekto ng gamot hanggang sa tuluyan na siyang makatulog sa loob ng aking mga bisig. Dahan-dahan ko siyang ihiniga pabalik sa kama at kinumutan. Pinahid ko ang bakas ng mga luha sa kanyang mga pisngi. Bago ko siya tuluyang iwan ay hinagkan ko ang kanyang noo. Tumingin ako sa doktor na may pagtatanong sa aking mga mata. …. Nakatanghod ako kay Amanda habang binabalikan ang sinabi ng kanyang doktor. May natamaang ugat sa likod ni Amanda na siyang dahilan kung bakit paralyzed siya from waist down ayon dito. Hindi ako makapaniwala. I am very devasted by the news ngunit ano ang magagawa ko? Hindi ko na kayang ibalik ang pangyayari na nagbunga nito sa kanya ngayon. Tinitigan ko ang maamo niya mukha. My heart was in pain as I let my eyes roam her swollen yet still beautiful face. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang masamang balita sa kanya kapag nagising na siya at muling nagtanong. Napasulyap ako kina Julie at Marc. Umiiyak pa rin si Julie habang hinahaplos ni Marc ang likuran niya. Nag-iinit na naman ang aking mga mata sa nasasaksihan kong mga pangyayari. I never felt so useless until now. Alam kong sa ngayon ay wala akong magawa para kay Amanda. Wala kaming magagawa para sa kanya. Malungkot ko na lamang siyang pinagmasdan muli habang sinusundan ng aking mga mata ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib dala ng pagtulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD