Kabanata 43

1086 Words
AVEL Matuling lumipas ang mga araw. Hindi ako makapaniwala na ilang linggo na rin ako rito sa mundo ng Ereve. Masasabi ko namang walang problema. Kasundo ko rin ang mga tao sa Ereve at walang dapat ikabahala sa palasyo. Tuloy ang training ko at ng buong Enchanted. Pinaghahandaan ng maigi ang magiging digmaan. At ngayong araw ay patungo uli kami sa battle field. Sabay kami ni Aerith na naglalakad nang biglang may maalala ako. Napatigil ako sa paglakad at humarap sa kanya. “Hmm…?” tanong sa akin ni Aerith. “Buti natandaan ko… tanong ko lang, bakit nga pala hindi kasama si Cygnus sa training? Eh diba, enchanted din siya?” Tuloy lang kami sa paglalakad. Mahinang natawa si Aerith sa gilid ko. “Hindi talaga siya sasama sa training o isasama. Medyo may pagka-introvert kasi si Cygnus. Bukod pa roon, dito sa Ereve, siya ang parang tinuturing namin na diwata kahit kauri namin siya,” Napanganga ako. “Talaga?! Bakit naman?” “Siya ang may naiibang kapangyarihan sa amin. Hindi kaya ni Cygnus ng kapangyarihan na tulad namin. Hindi niya kaya mag-magic ng literal. Hindi niya kayang gumawa ng kuryente, yelo, apoy o ng iba pang kapangyarihan. Pero Enchanted siya. Kauri namin. Naiiba lang siya sa aming lahat. Dahil ang kanyang kapangyarihan ay panaginip at premonisyon. Nanghuhula rin siya,” Napatango-tango ako. Si Cygnus pala ay parang diyosa. Nabasa ng dalaga ang nasa isip ko. “Tama ka. Parang ganoon nga si Cygnus,” “Eh kung kaya naman pala niya ang manghula, bakit hindi niya hulaan kung sino ang mananalo sa digmaan? Kung tayo ba o ang kalaban,” “Hindi kaya ni Cygnus ‘yon. Marahil masyadong makapangyarihan ang hinaharap kaya hindi niya kayang hulaan ‘yon. Sabihin nating kaya man niya, siguro, hindi pa rin niya gagawin,” Tumaas ang kilay ko. “And why not?” “Simple lang, Avel. Ayaw niyang maging sagabal ang hula niya para sa kinabukasan ng lahat. Sabihin nating nahulaan niya, tapos ang mananalo pala sa digmaan ay ang kalaban at mapupuksa tayong lahat, edi nawalan na ng pag-asa ang lahat, diba? Hindi na tayo magte-training, kasi mamamatay din pala tayong lahat bandang dulo. Ayaw pangunahan ni Cygnus ang lahat, Avel. Sa atin niya inaasa ang magiging bukas. Isa pa, ang hula niya ay hindi one hundred percent accurate. Kaya nga hula, pwedeng totoo, pwedeng hindi,” Napasinghap ako. “Ganoon? So, pwedeng ako ang lalaki sa propesiya, pwede ring hindi?” Sinamaan ako ng tingin ng dalaga. “Magkaiba ang hula sa propesiya, Avel. Sa propesiya, ikaw ang lalaki itinalaga upang magligtas ng sanlibutan,” Tila tumayo ang mga balahibo ko sa katawan sa narinig. Nagpatuloy ang babae. “Kaya nga, pansin mo, nakahiwalay ang lugar ni Cygnus sa karamihan. Kasi may templo siyang sarili. At tinatalaga namin ‘yon bilang sagrado. Ayaw namin siya bigyan ng ingay, para maging epektibo ang kapangyarihan niya. Tinuruan din namin ang mga bata na huwag maglalaro malapit sa templo niya,” Ah. Kaya pala. Maraming kaya pala. Akala ko pa VIP lang ito si Cygnus at ayaw lang sumama dahil trip nito. ‘Yon naman pala ay tila diwata ang tingin nila kay Cygnus. “At isa pa, para sa aming mga Enchanted, dito sa mundo ng Ereve, isa talaga siyang banal na nilalang. Ang life span ng mga Enchanted ay tinatalagang hanggang 90 years old lang. Maswerte ka na kung aabot ka ng 100 years pataas,” “Oh, parang tulad din sa aming mga tao. Pero sa amin, ang swerte mo na kung makaabot kang 80 years old eh,” Tumango-tango si Aerith. “Tama ka, tulad lang din sainyo. Pero si Cygnus, para talaga siyang diwata. Kasi hindi siya tumatanda, pero hindi rin naman bumabata. Parang na-i-stuck na siya sa ganoong edad at itsura. Kasi simula noong bata pa ako, hanggang sa naging dalagita na ako, ganyan na ang itsura niya,” Napasinghap muli ako. Hindi makapaniwala. “Talaga?!” Tumango ang dalaga. “Oo, hindi ako nagbibiro, Avel. Paslit pa ako noon at natatandaan ko naglalaro pa kami malapit sa falls. Tapos dumating nga si Cygnus, maganda at ang liwa-liwanag ng katawan. Para talaga siyang Diyosa. Hindi niya kaya makipaglaban o gumawa ng kahit anong kapangyarihan. Pero pagdating sa panaginip, premonisyon at hula, walang makakatalo sa kanya sa ganyang bagay. Kaya niya rin manggaya ng itsura ng iba. Halimbawa, gagayahin niya ang itsura ko gamit ang magic,” Napa woah ako. “Ang ganda naman pala ng kapangyarihan niya,” “Tama ka. Kaya siya lamang ang hindi kasama sa training. Kasi hindi naman talaga niya forte ang pakikipaglaban. Kaya sa digmaan, isasama siya roon sa mga bata at matatanda. At siya ang magiging gabay natin, gamit ang kanyang panaginip at premonisyon,” “Buti walang nagtatangkang kunin siya ‘no? Ibig kong sabihin, ‘yung mga kalaban,” “May mangilan-ngilang maliliit na grupo ang sumubok n’yon. Dakpin at gamitin ang kakayahan ni Cygnus. Pero ang templo niya ay napakasecure. Sa madaling salita, hindi basta basta makakapasok doon ang hindi niya pinahihintulutan. Wala namang lock o malaking gate, templo lang talaga siya. Pero may hindi ka nakikitang kapangyarihan na nakapalibot. At kahit sino ka man, kung walang permiso niya ay hindi makakapasok basta-basta roon. Oo, hindi siya marunong ng kapangyarihan na tulad namin, pero ang sinuman na tangkaing pumasok sa templo ng walang pahintulot niya ay maaring mamatay,” “Ha! Ganoon katindi ang sekyuridad niya?” “Oo. Alam din naman kasi niya na siya na maari siyang maging puntirya ng kalaban. Gamitin ang kanyang kapangyarihan para sa mga sakim at pansariling interest ng mga ito,” Narating na namin ang training ground na hindi namin namamalayan. Parehas pa kaming natawa sa mga sarili namin nang mapansin ‘yon. Dahil magkaiba ang lokasyon ng training ground namin, nagpaalam na si Aerith. Sa silangang bahagi kasi ang training ng mga Enchanted. Ako naman ay sa kanlurang bahagi. Kumaway ang dalaga sa akin. “Good luck, Avel. Mamaya na lang ulit,” Ngumiti ako at kumaway din. “Salamat. Good luck din, Aerith. Hihintayin ulit kita mamayang uwian,” Ganoon lagi ang routine naming ni Aerith sabay pupuntang training at sabay uuwi. Nang mawala na sa paningin ko ang dalaga, patuloy ako naglakad hanggang sa makita ko si Kapitan Harlek kasama ang dalawa pang kawal. “Avel, mabuti at naririto ka na. Ang araw na ito ang final exam mo sa katana training,” Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD