AVEL Napasinghap ako. Hindi ko ineexpect ang sagot sa akin ni Aerith. “A-Ang lolo’t lola mo…?” Napasinghap ako. Nakangiting tumango ang dalaga. “Tama ka. Namatay sila sa digmaan. Pero hindi na rin maituturing na nakakalungkot na bagay ‘yon, kasi namuhay din sila ng lolo ko sa matagal na panahon. Naging masaya sila, at mas naging masaya sila dahil namatay silang pinagtanggol ang Ereve. Bata pa ako noong namatay sila at maraming nagsasabi sa akin na mabubuti silang leaders. Kaya ayun, pumalit ang ama ko. Hindi ko kilala ang lolo’t lola ko sa side ng aking ina. Maaga silang pumanaw,” Napatango ako. Inangat ni Aerith ang katawan niya sa tubig at umakyat sa lupa. Inilahad niya ang palad niya sa akin para tulungan umahon. Tinanggap ko ‘yon at ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kany

