AVEL Simula nang araw na 'yon, ay nagkaayos na nga kami ni Aerith ng tuluyan. Bagamat walang sinabing konkretong rason ang dalaga, ay inunawa ko na lamang siya. Alam ko naman na likas na mahiyain si Aerith at hindi nito basta-basta sasabihin kung ano ang problema. Ang mahalaga ngayon sa akin ay maayos na kami at mukhang hindi naman na kami magaaway ulit. At dahil back to normal na naman, balik training ulit kami. Sabay na ulit kami ni Aerith patungo sa training ground. Habang naglalakad, ako na ang kusang nagbukas ng topic. "Kamusta ang training niyo? Ano na ang ginagawa niyo?" tanong ko. Tumingin sa akin ang dalaga at napangiwi. "Nagiging strikto sila lalo. At aaminin kong pahirap na ng pahirap ang training. Bawat araw na lumilipas, grabe ang enerhiya na tinatanggal sa katawan ko. Pero

