Queen POV :
"Hay, buhay, gusto ko ng pumasok sa hukay." sabi ko at sinarado ang libro na aking binasa.
"Weh? Di nga? Eme mo teh. Bad liar ka kaya. " sabi ni Cassy at siningkitan niya ako.
"Yeah right sorry I'm just tired, that's all.”
“Sus, ikaw talaga. Maiba tayo kumusta love life mo?” she said while wiggling her eyebrows.
“Ayos lang naman kami. Palagi naman yan eh.” Sagot ko
“Sana all edi ikaw na may jowa. Swerte mo sa kanya ang green flag niya." Sabi ni Cassy at inirapan pa ako.
“Haha, it's true. I'm really lucky” if only in everything though. I said in a smile. But then someone interrupted us.
"Oy!!! Our dear Queen nandyan na ang iyong Hari.” Mesha said teasingly at lahat ng mga classmates namin ay lumingon sa akin sabay ngising-aso.
And I just smiled at them.
"Love” tawag sakin ng boyfriend ko. Yes I have a boyfriend a perfect one.
His voice sounds so soft it calms my storming head.
"Love. How are you?" Pagkumusta ko sa araw niya. But then he suddenly gave me 3 pieces of White Hyacinth crochet flowers.
"Para po sayo. " sabi niya sabay abot ng bulaklak.
White hyacinth flower is my favorite because of some particular reason. One of my childhood memories.
“Para saan tong bulaklak?” tanong ko wala naman kasing occasion. Uuwi lang naman kami.
“Wala lang po , gusto ko lang na bigyan ka. Kagabi ko pa yan ginawa. Hope you like it. Sorry din, kasi hindi kita mabilhan ng totoong hyacinth flower.” sabi niya but I don't really care whether it's real or not it's the thought that matters.
“No I appreciate it. Thank you Love.” sabi ko at ngumiti lang naman siya. Ang tamis talaga ng mga ngiti niya mas gusto kong panoorin ang mga ngiti niya kaysa sa ngiti ko.
"Love gusto ko po sanang ipasyal ka sa tabing dagat. Kung ayos lang naman at wala kang gagawin." aya niya sa akin. But I feel like his going to take me on a date. Plus ayaw ko pang umuwi I want to spend more time with him.
“Sige, deserve ko namang mamasyal to relax my brain.” sabi ko at tumawa.
Ngumiti lang siya at kinuha ang bag ko tas hinawakan ang aking kamay saka kami lumakad patungong gate para sumakay sa motor niya.
Umangkas na ako sa motor niya dahil excited na akong makalanghap ng sariwang hangin mula sa dagat.
“Humawak ka ng maigi ha” Sabi niya pagkatapos niya akong suotan ng helmet at umangkas na rin. Disney Princess kasi ako.
Dinala niya ako sa isang resort... Ang ganda ng dagat.. Ito talaga safe place ko ang dagat pero ito rin ang kinamumuhian ko... At ngayong natatanaw ko nanaman ang dagat many memories came back …
"Nagustuhan mo po ba? " tanong niya
"Oo naman ang ganda dito. Ang refreshing pa." Sagot ko
"Opo, maganda nga tulad mo " sagot niya habang ngumingiti ng pagkakatamis..
"Thank you for the compliment Love” sabi ko pero umiling lang siya kaya nagtaka ako.
“It's not a compliment I'm just stating facts” sagot niya kaya tumawa ako.
“Bolero mo talaga.” Sabi ko sabay hampas sa kanya pero mahina lang.
"Halika dun tayo." sabay turo niya sa ilalalim ng puno ng niyog na may inilatag na kumot at may pagkain. I knew it we're going on a date.
"Sorry Love ha, ito lang po kasi kaya ng budget ko. May pinag-iiponan kasi ako "
"Oy ano bang sinasabi mo ang ganda kaya dito. I like it simple. " sabi ko at ngumiti ng pakatamis para ma feel niya na ayos lang talaga kahit simple lang.
Cuz love is simple but it's elegant. You can feel love even in the simplest things as long as it came from the heart it will turn elegant.
We sat at the blanket eat and talk for hours... Hindi na nga namin namalayan ang oras kung hindi pa lumubog ang araw. The sunset is so beautiful. I love the sunset .
“Tayo na Love dumidilim narin ihahatid pa kita sa inyo.” Sabi niya saka tumayo at naglahad ng kamay sa harapan ko. Tinanggap ko naman iyon at tumayo na. Ngumiti siya sa akin.
“The sunset looks like your eyes so beautiful.” Sabi niya kaya tumawa ako.
“The sea looks like your eyes too so mesmerizing.” Siya naman ngayon tumawa.
Iniligpit niya ang blanket namin saka yung basket na nilagyan namin sa mga pakain. Saka kami naglakad patungong motor niya at umuwi na.
Nandito na kami sa harap ng gate ng bahay ko or I mean sa family ko.
“Pasok kana. Hihintayin kitang makapasok sa loob saka ako aalis.” Sabi niya kaya tumango ako at kumaway sa kanya saka pumasok na sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko sa sala nakita ko ang kapatid ko na nakaupo sa sala.
“Ginabi ka yata Ate?”
“Alas sais panaman hindi pa masyadong madilim sa labas.” Sagot ko sa malumanay na boses saka nagmadaling pumunta sa kwarto ko.
“Hay, hindi nalang ako mag di-dinner. Kapagod.” Sabi ko saka pumunta sa balkonahe para sana magpahangin kaso nandoon pa pala sa labas si Renji at nakatingin rin siya sa balkonahe. Ngumiti siya sa akin saka pinaandar ang motor niya at umilaw pa ito ng tatlong beses saka tumakbo ng mabilis hangang di ko na ito matanaw.
Thank you for making me happy Love, Renji.
Kinabukasan ay nagising dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, hindi ko pala na sira ang mga kurtina.
Kaya nag handa na ako para pumasok.
“Sa canteen nalang ako kakain” sabi ko sa sarili pero may biglang kumatok.
“Miss Que breakfast is ready na po.” Sabi ng kasambahay namin na si Len.
Tatanggi na sana ako kaso biglang tumunog ang tyan ko. Di nga pala ako kumain kagabi.
“Naghihintay na po sila Sir at Ma'am sa dining.” Dugtong niya kaya I have no choice. Kakain nalang talaga ako.
“Palabas na Len.” Well Len is considered one of my friend in this household. Kasi same age lang kami at nagtatrabaho siya sa amin para sa pag-aaral niya.
I went to the dining hall and they're already complete. Ako nalang ang wala.
Kaya I sat down silently and started eating.
“How's your school yesterday anak?” Sabi ni Papa sa malumanay na boses.
“Ayos lang naman po.” mahinang sagot ko
“Good. Dapat kang mag-aral ng mabuti at sumunod sa yapak ng Kuya mo.” Mama said in a cold tone and wipe her mouth and I just nooded.
Pagkatapos ng mahabang breakfast na yun ay nandito na ako sa room.
“Finally. I'm free.” I said laughing saka umupo sa desk ko.
“Oy anong free? May test tayo Que sa math, huhu.” sabi ni Cassy habang nagbabasa ng notes na para bang maiiyak na.
“Nag-aral ka naba Que?” Tanong ni Mesha. Isa pa tong babaeng to nagka-craming.
I sigh.
“Nag-aral na ako. Gusto niyo turuan ko kayo?” Tanong ko mabilis naman silang tumango na parang mga tuta.
Tinuruan ko sila kung paano mag solve at binigyan rin ng exercise kaya nagso-solve sila ngayon.
Pero bigla namang nag beep ang phone ko sign na may nag message kaya I check it.
“Good luck po sa test niyo Love. Give your best.” Sabi ni Renji sa text. I smiled while typing back.
“I will thank you po Love.” I replay
The test went well,I got perfect pero hindi lang ako, dalawa kami but it's fine. Really.
“Yey! Nakapasa ako!!” Sigaw ni Mesha mukhang tuwang-tuwa siya sa score niya.
“Ehhh~ nakapasa ka nga mas mataas naman ang score ko kesa sayo.” Sabi naman ni Cassy nang-aasar.
“Ehhh lima lang naman ang lamang mo kesa sa akin. Blehhh.” Sagot naman niya dumila pa. Hay
“Oy snack na tayo please gutom na ako.” Sabi ni Mesha tumango naman kami at tumayo na.
Nakalabas na yung dalawa nang may nakatagpo ako sa pintuan. Huminto siya kaya huminto rin ako dahil baka may importanteng sasabihin ang president namin.
“Congrats.” Sabi niya kaya nagtaka ako. “You got perfect score” dagdag niya in a cold tone and without looking at me. I just smiled sarcastically.
“You too.” Sabi ko saka na umalis kasi gutom na ako.