------- ***Bianca’s POV*** - Nasa isang eleganteng coffee shop kaming dalawa ni Mimi. Nagkita kami ng walang specific na reason. Nasa harap ko siya ngayon—nakaupo nang relaxed, one leg crossed over the other, suot ang fitted black slacks, crisp white button-down, at leather loafers. Lalaking-lalaki ang dating niya ngayon. Hindi niya inilabas ang kabaklaan niya. Kaya nga marami ang mga babaeng napapalingon sa kanya kasi guapo naman talaga ang gagang ito. Tahimik kong ininom ang cappuccino ko bago ako nagsalita. “I’ve decided…” mahinahon kong sabi habang ibinababa ang tasa. “Ipapakilala ko na si Hamlet sa triplets.” Agad nagliwanag ang mukha niya. Hindi exaggerated—just a small, satisfied smile. “Finally,” sabi niya. “Good decision, Bianca. Dapat lang naman. They deserve to know thei

