Got tired, suddenly!

1804 Words
------- ***Bianca's POV*** - Pagkapasok ko pa lang nang tuluyan sa opisina ni Hamlet, agad natahimik si Jerick. Ramdam ko ang biglaan niyang pangamba, na para bang natatakot siyang baka narinig ko ang pinag-uusapan nila ni Hamlet. Samantala, si Hamlet naman ay tila walang pakialam kung sakaling narinig ko man ang usapan nila. As always, malamig lang siyang nakatitig sa akin—iyong uri ng tingin niyang walang bakas ng emosyon. “O, bakit parang nakakita ka ng multo, Jerick?” tanong ko na may ngiting pilit. “Ipagpatuloy niyo lang ang pinag-uusapan n’yo. Don’t mind me. Uupo lang ako dito habang hinihintay ko kung kailan kayo matatapos sa kung anumang pinag-uusapan n’yo.” Nakangiti ako habang sinasabi iyon kay Jerick, parang hindi nagdurugo ang puso ko sa sandaling ito. “K-Kanina ka pa ba?” tanong niya, halatang nag-aalala. Mabuti pa siya—kitang-kita ko ang concern sa mukha niya. Kabaligtaran ng asawa kong tila wala talagang pakialam. “Yes. Medyo matagal na talaga akong nasa pinto.” “Matagal na? Ibig bang sabihin… narinig mo ang…” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil ramdam ko ang kaba sa boses niya. Napakalinaw kumpara kay Hamlet na parang walang naririnig, walang nararamdaman. “Ano ka ba? Relax,” natatawa ko pang sabi. “I don’t mind. I don’t want to waste my time dealing with things that don’t matter. Kung ano man ang pinag-uusapan n’yo… kung ano man ang narinig ko… don’t worry, I won’t take it seriously.” Isang malaking kasinungalingan. Masyado talaga akong apektado sa narinig ko. Ilang taon kong minahal si Hamlet, at sa mga taong iyon, natutunan kong pigilan ang sarili kong masaktan. Natutunan kong gawing manhid ang puso ko para lang hindi niya makita kung gaano ako kahina pagdating sa kanya. Gusto ko kasing isipin niya na kaya ko ang lahat, basta’t kasama ko siya. Pero kanina—sa narinig ko—masyado akong tinamaan. Masyado akong nasaktan. Parang hiniwa ang puso ko nang paulit-ulit. At sa unang pagkakataon, naramdaman ko na lahat ng pagsisikap ko nitong mga nakaraang taon… parang walang halaga. “I’m sorry, Bianca,” sabi ni Jerick, bakas ang guilt sa mga mata. Tumayo siya at nagpaalam kay Hamlet. Tumango lang ito. Ngumiti si Jerick sa akin pero hindi umabot sa mga mata ang ngiti niya. Pagkatapos ay lumabas siya, at naiwan kaming dalawa ni Hamlet sa loob. Pagkasara ng pinto, tumingin sa akin ang asawa ko gamit ang pamilyar niyang malamig at matalim na mga mata. Kailan ko kaya makikita sa tingin niya ang konting sabik? Ilang araw din kaming hindi nagkita, pero parang wala lang sa kanya. “Aren’t you going to explain to me?” iyon ang una niyang sinabi matapos ang ilang araw na hindi kami nagkita. “Kababalik mo lang, and yet, you already created trouble. Chrissy told me that you slapped her. Wala naman daw siyang ginawang rason para sampalin mo siya nang ilang beses.” “Chrissy?” kunot-noo kong tanong. “Is that the woman I slapped many times kanina sa airport?” “So?” Tumayo siya mula sa executive chair niya, at matalim ang tingin niya habang nakatutok sa akin. “So—you admitted your sin?” “I admit that I slapped her. But wala akong kasalanan sa Crazy na ’yon. Bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalan niya—Chrissy, katunog ng crazy.” Napangiti pa ako habang umuupo sa upuan sa harap ng mesa niya. “Anyway, if she didn’t provoke me, hindi ko sana siya sasampalin. She brought that upon herself.” Narinig ko ang sunod-sunod, malalalim na paghinga niya—mabibigat, puno ng tensyon. Ramdam ko ang galit niyang unti-unting kumukulo. “Why are you so wicked, Bianca? You slapped a person without any reason at all.” “Without a reason? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano ang rason bakit ko siya sinampal?” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Usually, I always remained calm, lalo na kapag ito ang paksa ng usapan namin. Tatlong taon kong tiniis na maging mahinahon dahil—ano pa nga ba ang silbi ng pag-explain kung sa huli ako pa rin ang mali sa paningin niya? Ayokong ubusin ang enerhiya ko sa wala. Pero ngayon… ngayon lang ako nagpakita ng totoong galit. Kaya napanganga siya. Hindi niya inaasahan. “And—” Napalunok siya, pilit na kinakalma ang sarili. “—do you think maniniwala ako sa kahit ano pang sasabihin mo?” “Of course you won’t believe me, Hamlet. What can I do? You are an idiot. You believe outsiders rather than your own wife.” Napa-recline ako sa upuan ko, parang wala lang. “What did you say?” lumalaki ang mga mata niyang puno ng galit. Nakuyom niya ang kamao niya. “I said you are an idiot—and not only that, you are stupid too.” Walang pag-aalinlangan, walang pag-atras. Ano pa bang magandang tawag sa ginagawa niya? “Bianca!” galit na galit niyang sigaw habang muling bumagsak ang palad niya sa mesa. Napaupo siya ulit, at napaatras ako sa gulat. Nang tingnan ko siya, nanlilisik ang mga mata niyang nakatutok sa akin. “How dare you say that to me? How dare you call me an idiot and stupid?” “Pwede ba, Hamlet,” irita kong sagot. “Kung ayaw mong matawag ng ganun, then use your brain.” “You—!” Halata sa boses niya ang gigil, ang pagpipigil, ang galit. Mas mabuti na ang magalit siya. Mas mabuti nang ma-frustrate siya kahit paano—kapalit ng pagwasak niya sa puso ko nang paulit-ulit. Nagdesisyon akong huwag na siyang pansinin. Nakakasawa na ang argumento naming dalawa. Alam ko namang wala akong mapapala kundi sakit lang sa puso. Masyado nang sugatan ang puso ko. “Can we stop this conversation? Ito ba talaga ang bungad mo sa akin sa pagbabalik ko—after I closed the deal with ETCH Company, after I convinced someone to invest billions in your company?” may hinanakit sa tinig ko, at nakipagtitigan ako sa kanya. Tila naman natauhan siya sa sinabi ko. Ipinaalala ko lang sa kanya ang nagawa ko para sa kompaya niya. I saw him calm himself. Paulit-ulit. Ramdam ko. Para siyang sumusubok pigilan ang pagsabog ng galit… o kung ano man ang nararamdaman niya. “Fine,” aniya sa wakas, pilit na kontrolado ang boses. “Hahayaan muna kita ngayon. Pero sa susunod, hindi ko na palalampasin ang kahit anong insulto mula sa’yo. I won’t let you insult me Bianca.” “If you won’t insult me too, then no problem with me.” Napa-recline ulit ako sa upuan, parang wala lang. Hihintayin ko na lang kung kailan ako mabobored sa presensya niya, saka ako aalis. “I already sent millions to your account,” basag niya sa katahimikan,. “You can buy whatever you want.” Well. Inaasahan ko na ito. Of course. Typical Hamlet. He will pamper me with his money. At sa totoo lang… okay lang iyon. May mga bagay akong pinagkakagastusan na mahalaga sa akin, at meron din akong iniipunan. I used his money very well. And I deserve his money too. After all, I am the money-maker of his company. Marami na akong naipasok na investment at partnership sa kumpanya niya. I’m not saying that he depends on me entirely in this matter, pero ako ang asset niya pagdating dito. Kaya pinaghirapan ko rin ang perang ibinibigay niya sa akin. Napaayos ako ng upo. “Well, thank you,” sagot ko nang may ngiti. “You never fail to make me feel happy, Hamlet.” “Guess you love my money very much,” malamig niyang tugon. Insulted? Hindi. Totoo naman. I love money—lalo na kung pera niya. Mukha akong pera, oo, kasi dahil dito nagagawa ko ang bagay na gusto kong gawin simula nung bata pa ako. Three years ago, when I became his wife and he showered me with wealth, that was when I began the promise I made to myself long ago—a promise I’d carried since childhood. And now… I’m close to achieving it. I’m close to succeeding. Maybe it’s time for some reflection. Especially now, when it’s becoming harder and harder to pretend that I’m not hurting. Kanina, nang marinig ko ang pinag-uusapan nila ni Jerick… para akong sinaksak nang paulit-ulit sa puso. Para akong nawalan ng hangin. Lahat ng effort ko all these years—biglang nagmukhang walang kwenta. “Hamlet,” sabi ko, tumitingin sa kanya nang diretso, “I love you more. Pero dahil pera mo lang naman ang kaya mong ibigay sa akin, hindi na rin masama. I love money too. Don’t worry—maybe someday, I’ll love your money more than I love you. After all, it’s the only thing that has made me happy in the three years we’ve been married.” Napanganga siya nang marinig iyon, parang hindi makapaniwala na sinabi ko ang mga salitang iyon. Ngayon lang kasi ako nagsalita nang ganito sa kanya. Tumayo ako. “I’m leaving. I need my therapy shopping.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Humakbang ako palabas ng opisina niya, hindi lumilingon, kahit gustong-gusto ko sanang malaman kung susundan ba niya ako o tatawagin man lang ang pangalan ko. Ilang minuto ang lumipas, nasa loob na ako ng kotse. At pagkapasok ko pa lang, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Kanina ko pa iyon pinipigilan—pilit, desperada. The only reason I stayed in Hamlet’s office for a while was the tiny hope… the small chance… na baka bawiin niya sa akin ang nasabi niya kay Jerick kanina. Na baka sabihin niyang hindi niya iyon sinasadya. That those words just slipped out of his mouth and he didn’t mean them. Pero wala. Wala akong narinig kahit isa. Alam niyang narinig ko iyon, but he doesn’t care at all. He knows I love him, pero hindi siya nagpakita ng kahit kaunting concern kung nasasaktan man ako. The words he heard from me—words that could hurt his ego—are nothing compared to the words he directly inflicted on my heart in the most painful way. Hindi ako naghanap ng gulo. Those women who kept trying to mess with me—siya lang din ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob na harapin ako. Kahit isang beses, he didn’t stand up for me. Dumami sila, and their boldness grew even more. Dahil kay Hamlet. And for the first time after a long time… I got tired. Nakakapagod din pala. Nakakapagod maging ganito lagi. Nakakapagod na hindi ka mabigyan ng kahit kaunting halaga ng taong pinahalagahan mo nang sobra. Suddenly… napagod ako. Pagod na pagod. Sa unang pagkakataon, napagod akong mahalin si Hamlet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD