------- ***Bianca’s POV*** - “You need to change your clothes, Hamlet. Baka magkasakit ka pa. Meron ka bang extra clothes sa kotse mo?” sabi ko habang pilit pinipiga ang isa sa mga damit na hawak ko. Pareho kaming hinihingal matapos naming iligtas—well… sinubukang iligtas—ang mga sinampay ko sa likod bahay. Pero sa totoo lang, siya lang ang talagang nabasa nang todo. Yung mga damit na halos wala na sa plano kong kunin… siya pa ang kumuha. “Leave those, Hamlet,” ilang beses ko pang sabi kanina habang binabayo kami ng ulan. Pero hindi siya nakinig. Isa- isa niyang hinablot yung mga damit na sobrang bigat na sa tubig. Resulta? Basang- basa siya. Ako? Halos ambon lang ang tumama. Napailing ako habang tinitingnan ang polo niyang dumikit na sa katawan niya. Halos tumutulo pa ang tubig m

