-------- ***Bianca’s POV*** - Aminado ako, I’m really enjoying my stay here in Chateau Deo Gracia. For the first time in a long while, nakahinga ako nang maluwag—walang bigat sa dibdib, walang paulit-ulit na tanong sa isip ko. Nakapag-isip ako nang maayos, nakapag-relax, at parang unti-unti, binabalik ko ang sarili ko. Very accommodating si Luke. He made sure na magiging comfortable at memorable ang stay ko dito. From the moment I arrived, parang wala akong kailangang isipin. Lahat inaasikaso niya—kung anong gusto kong kainin, kung gusto ko bang mag-spa, horseback riding, or simpleng tea lang sa terrace habang tanaw ang mga bundok. At dahil hindi masyadong maraming guests sa chateau ngayong season, sobrang tahimik ng lugar. Walang crowd, walang ingay, just fresh air and wide open space

