------- ***Bianca’s POV*** - “Anong nangyari?” Napalingon ako sa boses na iyon. May lalaking kakapasok lang sa restroom, mukhang narinig ang sigaw ni Kaureen. Walang iba kundi si Hamlet. Ah… now I get it. Siguro nakita ni Kaureen na naghihintay si Hamlet sa labas, kaya ginawa niya ito. Para i-frame ako. Para magmukha akong masama sa harap ni Hamlet. Desperada. Hanggang ngayon… gusto pa rin niya ang atensyon ni Hamlet—ang atensyong hindi niya kailanman nakuha noon. Mas mabuti pa ang kapatid niya… naging malapit pa iyon kay Hamlet. Napatingin si Hamlet sa akin. Saglit lang. Dahil agad ding nabaling ang tingin niya kay Kaureen nang magsalita ito. “S-sinampal niya ako…” nanginginig na sabi ni Kaureen. “Tapos itinulak… kaya ako natumba…” Grabe. Dinaig pa ang artista. Mas lalo pa niya

