------- ***Bianca’s POV*** - Mariin ang titig ng mga magulang ko sa akin. Alam kong wala na akong takas ngayon. Kahapon, hindi nila ako nagawang kausapin tungkol sa katotohanan sa pagkatao ng mga anak ko dahil kasama ko ang tatlo. Hindi sila nakasingit. Pero ngayong mag-isa akong bumalik, malinaw sa akin na hindi na nila palalampasin ang pagkakataong ito. Magkatabing nakaupo sina Mommy at Daddy sa kama. Nakasandal si Daddy sa backrest na nilagyan ni Mommy ng unan. Ako naman, diretso ang upo sa silyang kaharap nila. Nate-tense ako. Ramdam ko ang malakas na t*bok ng puso ko. “Bianca,” si Mommy—kalmado—siya ang unang nagsalita. “I need you to explain. Gusto naming marinig ang totoo. Kasi honestly, sobrang gulo na ng lahat para sa amin.” “Ang sinabi mo sa amin noon, you were cheated. Na

