-------- ***Bianca’s POV*** - Pagpasok ko pa lang sa bahay, ramdam ko na agad na may mali. Hindi iyon dahil sa katahimikan ng villa—sanay na ako roon, lalo na kapag nasa kuwarto ang mga bata at abala sa kung ano mang kalokohan ang naiisip nila. Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa foyer, halos mabangga ko si Yaya Leni na parang may hinahabol na kung ano. Maputla ang mukha niya. As in, puting-puti. Nanginginig ang mga kamay niya, at kahit mahigpit niyang hawak ang strap ng bag niya, parang anumang oras ay bibitawan na lang niya iyon at tatakbo palabas ng gate. “Ma’am Bianca…” halos pabulong niyang sambit sa pangalan ko, nangingilid ang luha sa mga mata. “Ayoko na po. Pasensya na po talaga. Hindi ko na po kaya. Suko na po ako.” Napapikit ako sandali. Pang-apat na yaya na ito ng

