--------- ***Bianca’s POV*** - Mayaman at maraming koneksyon si Hamlet, kaya alam kong madali lang talaga niya akong mahahanap kung hindi ako gumawa ng paraan para tuluyan akong maglaho sa mundo niya. Sa totoo lang, kung gugustuhin niya, isang tawag lang niya, lalabas na agad ang pangalan ko sa kung saan ako huling gumamit ng card, kung saang ospital ako nagpunta, kung anong flight ang sinakyan ko, kung sino ang mga taong nakakasalamuha ko. Ganoon kalakas ang apelyido ng Montreal at Saavedra. Ganoon kalawak ang sakop ng impluwensya ng pamilya nila. Kaya planado talaga ang lahat sa pag-alis ko noon. I can’t just run away. I can’t rely on courage alone. I need a strong refuge, someone who can truly protect and hide me from Hamlet—someone with even greater power and influence than him.

