Kabanata 31: Rough Night Part 1

1124 Words

Hindi muna ako umuwi sa amin ngayong gabi matapos ang nangyari sa opisina. Pero kahit malayo na ako doon, nanginginig pa rin ang mga ugat ko. Naririnig ko pa rin ang boses ni Sir Hugo. Paulit-ulit sa ulo ko, sinasabi na kaya lang ako napunta sa FlexiRadix dahil sa kanya, dahil gusto niya akong makuha, at dahil pareho lang daw kami ni Ate. Bakit ba kami minamaliit ng mga nakatataas? Oo, nanggaling kami sa hirap at ngayon kahit papaano, nakakaraos. Pero hindi naman kami nanggamit ng ibang tao para umangat. Sa totoo lang, okay lang sa akin na ako ang hamakin ni Sir Hugo. Pero kung pati ang ate ko minamata nila na walang kamalay-malay sa nangyari habang kausap ko sa cellphone ngayon, nadudurog ang buong pagkatao ko. '''Yon lang naman, Ate. Tumawag lang naman ako para sabihin na dito ako kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD