"I'm home!"
Pagbungad ko sa pinto ng bahay namin, si Ate Rizah agad ang sumalubong sa 'kin.
"Ang aga mo yata ngayon, ah. Alas kuwatro pa lang," nakangiting sabi niya habang ngpupunas ng mga kamay sa suot niyang apron. Halatang sa kusina siya nanggaling.
"Pinauwi na kasi ako ng nurse namin. Tumaas kasi ang BP ko kanina." Pabagsak na humiga ako sa sofa. I wiggled my feet so my heels would fall on the floor.
"T-talaga? Naku!" Umupo si Ate Rizah sa uluhan ko at dinama ang noo ko. "Okay ka lang ba? Gusto mo samahan ka namin ni Tony sa ospital?"
Umiling ako na nakapikit. A pillow was on my chest. "Ayos lang ako, Ate. Hindi naman talaga ako highblood pero talagang nahilo ako kanina no'ng sinisante ko 'yong pinakabago sa team. Sagot-sagutin ba naman ako nang wala sa lugar.
"Huhulan ko, nasama na naman s topic ang issue mo sa ex mo. At hindi mo tinigilan 'yang empleyado hangga't hindi siya ang unang tumitiklop." May halong pagtawa ang mga salita niya habang hinihimas ang buhok ko.
Tumingala ako sa kanya. Her touch was heaven. Nawawala ang sakit ng ulo ko at parang gusto kong matulog. "Ewan ko ba. Okay lang sana kung tungkol sa trabaho. Pero simula nang maghiwalay kami ni Sid, lagi na lang nadidikit ang pangalan niya sa 'kin kapag naiimbiyerna ako sa opisina. Ang unfair lang, hindi ba?"
"Sa tingin ko, hindi naman talaga kay Sid nakatuon ang issue sa 'yo."
Umangat ako ng likod at sumandal a lang. Mahirap na, baka makatulog ako habang nag-uusap kami. "Anong ibig mong sabihin."
"Baka naghahanap lang sila ng butas sa 'yo, Innah. 'Di ba nga, laging may pumupuna sa 'yo simula no'ng na-promote ka? At tiyempo na si Sid ang kasiraan mo ngayon."
Dismayado akong nagbuntong-hininga. "Nagsisisi talaga ako na nakilala ko siya. Ngayon tuloy, kahit wala na kami, nasisira pa rin ako dahil sa kawalang-hiyaan niya… nila ng magaling nating pinsan."
"Hay naku, Innah. Hayaan mo na si Tisha. Sa tingin ko, nakarma na 'yon," ani Ate at nagtaas pa ng mga paa sa sofa. But that was in a gracefull way. Parang si Cleopatra lang.
Fifteen years ang tanda sa 'kin ni Ate Rizah kaya halos nanay na rin ang turing ko sa kanya. Hindi ko rin naman naabutan ang parents namin dahil ayon kay Ate, namatay daw si Mama sa panganganak sa 'kin. Si papa naman, wala na rin. Namatay daw siya noong six months old pa lang ako. Kaya eversince, si Ate na talaga ang kinikilala kong guardian.
"Paano mo naman nasabing nakarma na si Tisha?" tanong kong nakataas ang isang kilay.
"Alam mo namang online ang trabaho ko, 'di ba? Eh, nakita kong nagpost siya sa sss. Iniwanan daw siya ng 'jowa' niya." She qouted in the air, stressing the word. Hindi naman kasi sanay magsalita ng gaylinggo si Ate. So I guess, inulit lang niya ang mismong word ng magaling kong pinsan.
"Well, bahala siya sa buhay niya. Hangga't puwede, ayoko nang magkaroon ng kauganayan sa kanya. Kung puwede lang sanang mamili ng kamag-anak. Kaso kahit mamahalin, hindi puwedeng piliin." Seryoso na sana ako pero biglang may lumipad na unan sa mukha ko.
"Ang lalim na naman ng hugot!"
"Ate naman!"
Ibabato ko sana pabalik sa kanya ang unan pero nakita kong tumatakbo papunta sa 'min si Tony. Namumula ang mga mata niya at may bahid pang kaunting luha.
"Auntie Innah…"
Tumayo siya sa harap ko at pinahid ko ang mga luha niya gamit ang mga palad ko. I hated to see this boy crying. Parang doble ang pasakit sa 'kin. "Oh, baby boy, tell Auntie what's wrong."
Kahit na umiiyak siya, napaka-cute pa rin. Siguro kasi kamukha ko siya. We had the same round big eyes, same full lips, same small nose. Kung pahabain pa ni Ate ang buhok ng anak niya, talagang wala na siyang pinagkaiba sa picture ko noong eight ako.
"Auntie, 'yong kalaro ko kasi, binali niya kamay ni Iron Man."
"Iron Man?"
Tumango siya at nilabas niya mula sa bulsa ang maliit na action figure ni… well, Iron Man. Napailing tuloy ako. "Oh, sayang naman 'to." Tiningnan ko siya ulit at niyakap. Tumulo na naman kasi ang mga luha niya. "Don't cry na, baby. Hayaan mo, bibili na lang tayo ngayon."
His eyes sparkled. Kahit na madungis siya, abot tainga naman ang mga ngiti niya. "Talaga, Auntie? Ibibili mo ako ngayon na?"
"Of course!" Tumayo ako at kinuha ang bag sa center table. "Gusto mo 'yong mas malaki pa sa 'kin ang bilihin natin."
Bigla akong natigilan nang sinabi ko 'yon. Iron Man na life-size? Sa playroom ni Nolan ako nakakita ng gano'n. s**t, naisip ko na naman siya. It had been three months since I had a one night stand with him. Pagkagising ko kinabukasan, nagbihis agad ako at lumayas.
I was brought back from my lost thoughts when Ate Rizah put her hand on my shoulder. Tiningnan ko siya. She looked worried.
"Innah, hindi mo kailangang gawin 'yan. Marami pa namang laruan si Tony."
I looked down at Tony. Hindi ko na kailangang tanungin kung okay sa kanya ang sinabi ni Ate Rizah. The trembling of his lips was a tangible evident that he extremely dissaggreed with her mother.
Ibinaling ko ulit ang mukha ko kay Ate. "Pagbigyan ko na ang pamangkin ko. Besides, minsan lang naman kami mag-bonding dahil lagi akong busy sa trabaho."
She crossed her arms over her chest and narrowed her eyes at Tony. "Huwag kang magpapasaway kay Auntie, okay? At isang toy lang ang ipapabili mo."
Tony smiled from ear to ear. Sa totoo lang, kahit ubusin ko pa ang isang buwan na sahod ko para ibili siya ng laruan at pagkain, gagawin ko. His sweet smile was more valuable than material things. Nanasay na kasi akong nakikita siyang nakatawa. Masayahing bata talaga. Siya nga ang stress reliever ko sa tuwing uuwi akong drained galing sa trabaho.
The next thing I knew, we were strolling along the crowded lobby of the mall. Hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming tao. Biyernes na kasi at hapon pa. Mabuti nga't hindi inabot ng traffic ang sinasakyan naming taxi dahil papunta naman kaming South. Ang hirap lang talaga kapag nagko-commute. Pero hindi bale kasi malapit na akong isyuhan ng kotse. Kaunting push na lang sa qouta at makukuha ko na ang incentive na tumataginting na sasakyan.
"Auntie, kain muna tayo. Nagugutom na kasi ako," ani Tony at hinila ang kamay ko sa entrance ng Jollibee.
"H-huh? Wait, akala ko-"
Wala na akong nagawa maliban sa magpatangay na lang sa bata. I really think, this kid pointing at the bucket of fried chicken was one of my weakness. Hindi naman masyadong halata, hindi ba?"
My phone on our table buzzed as Tony and I devoured the bucket of fried chicken and spaghetti. Habang ngumunguya, pinindot ko 'yon kahit na medyo may mantika pa ang daliri ko. Agad ko namang nilulon ang kinakain ko at pinunasan ang mga kamay ko gamit ang tissue dahil ang tumatawag ay walang iba kundi si Mel ng HR.
Tiningnan ko muna si Tony na abala sa paghimay ng manok bago ko sinagot ang tawag.
"Yes, madam."
[Oh, hi Innah. How are you now? I heard, nahilo ka raw kanina. Okay ka na ba?]
I bit my bottom lip. Anong sasabihin ko? Na okay na ako at nagliliwaliw na sa mall habang sila nasa kumpanya pa rin at nag-o-OT? "Maayos na ang pakiramdam ko, Miss Mel. Salamat sa concern mo."
[Mabuti naman kung gano'n. Akala ko dinibdib mo ang pagba-bad mouth ng pina-terminate mo, eh.]