Bakit naman siya lalabas? Hindi pa naman tapos ang party? I looked around the empty corridors. No sign of him. Posible kayang umuwi na siya? Iniwanan niya ako gayong alam niyang wala naman akong service pauwi? Nagpatuloy ako sa paglakad na nakaboots. Nai-imagine kong napakaraming paltos na ng mga paa ko pero ayoko namang maglakad dito ng nakayapak. At ayoko ko ring naghahanap sa taong ayaw naman magpakita! Kung umuwi na siya, ayos lang. Siguro nga, nakakaabala na ako sa kanya. "You think I can give that assurance that fast? Bakit ka ba nagmamadali?" Napahinto ako nang marinig ang buo at mababang boses na 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali. It was Nolan, his voice seemed in distress. Ilang segundo pa at mga yabag ng mga sapatos ang umalingawngaw. Sa pagkakataong ito, sigurado akong s

