*ASHLEY* Sobrang lakas ng ulan ng makadaong kami sa pantalan at kahit habang nasa laot palang kami kanina ay lumalakas narin. Dahil nga siguro sa bagyong paparating kaya gano'n nalang ang bugso. Parehas kaming basang-basa ni Ryuku. Kahit yo'ng mga dala naming bag ay nabasa din dahil sa malakas na hampas ng alon. Mabuti nalang at nakarating kami ng maayos at ligtas. Nasa kotse na kami ngayon at nag babyahe na papunta sa lugar kung saan kami tutuloy pansamantala. Ang sabi ni Kai ay sariling Isla daw nila ang Isla Verde. Dati parin naman ay naririnig ko na sa mga balita kung gaano ka yaman ang pamilya Salem kaya hindi narin ako magtataka. Si Ryuku ang driver ng kotse at hindi ko alam na ganito pala siya ka areglado sa tuwing umuuwi siya dito sa Isla nila. Parehas parin kaming basa at naba

