*ASHLEY* Hapon na ng makarating ako sa Maynila dahil kailangan ko pang aluin ng matindi ang kambal dahil nagtatampo sa akin ng malaman nilang aalis na naman ako. Ipinaliwanag ko ang dahilan at kung bakit kailangan and as I expected naintindihan naman agad nila. Malawak ang pang-unawa ng dalawang bata kaya hindi rin ako nahihirapan na ipaintindi sa kanila ang mga bagay-bagay. Hindi muna ako nag diretso sa bahay namin dahil kanina pa tawag ng tawag si Kai na unahin ko daw muna na mag pakita sa kanya dahil baka naka-alis na siya papunta ng ibang bansa eh hindi niya man lang ako nakita. May kailangan din pati akong kunin sa kanya dahil kahit bakasyon ko pa ay may ipinasa na agad siyang project sa akin. To be honest, tinanggihan ko ang project na 'yon dahil malaking project ko 'yon dito s

